16/06/2026
MAHALAGANG ANUNSYO
Ang Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong, sa pamamagitan ng Committee on Ways and Means, ay magalang na nag-aanyaya sa lahat ng mga may-ari at nagtataglay ng real property, mga kinatawan ng mga komersyal na establisimiyento, developers, at iba pang mga concerned sector sa Lungsod ng Mandaluyong na dumalo sa Public Consultation hinggil sa panukalang Schedule of Market Values (SMV), alinsunod sa Republic Act No. 12001 o ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).
Layunin ng gawaing ito na maipaliwanag ang mga bagong pamantayan sa pagtataya at pagpapahalaga ng mga lupa, gusali, at iba pang real properties, gayundin ang mga posibleng epekto nito sa assessment at pagbubuwis ng real property sa lungsod.
Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga kinauukulan na maipahayag ang kanilang mga pananaw, mungkahi, at katanungan kaugnay ng nasabing panukala.
Petsa: Hunyo 17–18, 2026
Oras: 2:00 ng hapon
Lugar: Atrium, Executive Building, Mandaluyong City Hall Complex
Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at pagdalo.
Maraming salamat po.