Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office

Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office Public Page for:
Announcements
Updates

🌾 2nd Tranche Rice Subsidy Distribution 🌾📢 Magandang balita para sa ating mga Senior Citizens!📅 Petsa: July 29, 2026 (Mi...
24/07/2026

🌾 2nd Tranche Rice Subsidy Distribution 🌾

📢 Magandang balita para sa ating mga Senior Citizens!

📅 Petsa: July 29, 2026 (Miyerkules)
🕗 Oras: 8:00 AM
📍 Lugar: City College Gymnasium

📌 Paalala:
✅ Ito ay para lamang sa mga HINDI PA nakakapag-Claim ng kanilang bigas.
✅ Maaari pong i-Claim ang TICKET/STUB sa mga nakatalagang lugar, araw, at oras na iaanunsyo ng inyong TRUSTEES.
✅ Sumunod sa mga health at safety protocols at panatilihin ang kaayusan sa buong programa.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaan para sa kapakanan ng ating mga nakatatandang mamamayan.

HATID-TULONG PARA SA ATING MGA LOLO AT LOLA SA BRGY. ADDITION HILLS!​Ngayong araw, May 6, 2026, matagumpay na isinagawa ...
06/05/2026

HATID-TULONG PARA SA ATING MGA LOLO AT LOLA SA BRGY. ADDITION HILLS!

​Ngayong araw, May 6, 2026, matagumpay na isinagawa ang Rice Distribution para sa mga Senior Citizens ng ating barangay. Ang biyayang ito ay bahagi ng patuloy na proyekto ng ating Pangulong Bongbong Marcos upang matiyak na may sapat na pagkain sa hapag ang bawat pamilyang Pilipino.

​Ang pamamahagi ay pinangunahan ng ating mapagmahal na Mayora Menchie Abalos, katuwang ang masipag na Punong Barangay Carlito T. Cernal, kasama ang mga kawani ng Senior Citizen Affairs mula sa Lungsod at Barangay Addition Hills.

​Patuloy ang ating pakikipagtulungan sa nasyonal at lokal na pamahalaan upang maihatid ang serbisyong nararapat para sa ating mga nakatatanda.

Maraming Salamat po sa inyong pakikiisa! ​Naging matagumpay ang ginanap na PhilSys National ID Registration para sa atin...
20/04/2026

Maraming Salamat po sa inyong pakikiisa!

​Naging matagumpay ang ginanap na PhilSys National ID Registration para sa ating mga Senior Citizens at PWDs nitong April 17-18 sa Molave Covered Court.

​Ang programang ito ay naging posible sa pamumuno ni Kap. Carlito T. Cernal at ng ating Konseho, katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA).

​Patunay lamang ito na sa ating barangay, ang bawat sektor ay mahalaga at hindi naiiiwan. Hanggang sa susunod na programa.

16/04/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS 📢

Pinapaalam sa lahat na ang PhilSys (National ID) ay kinikilala na bilang PANGUNAHING ID na tatanggapin ng DSWD para sa inyong Social Pension Payout.

Upang masiguro ang mabilis na proseso, magkakaroon tayo ng eksklusibong PhilSys Registration dito sa ating barangay!

📍 SINO ANG MAAARING MAG-REGISTER?

Mga Senior Citizens na wala pa ring National ID.

PAALALA: Ang schedule na ito ay para lamang sa ating mga nakatatanda (Exclusive for Senior Citizens). Magpo-post po kami kung kailan at saan.

🛏️ PARA SA MGA BEDRIDDEN:
Hinihikayat ang mga pamilya ng ating mga ka-barangay na bedridden o hindi na kayang makapunta sa registration site na makipag-ugnayan o mag-update sa ating Barangay Office. Ito ay upang maitala ang inyong pangalan para sa PERSONAL NA PAGBISITA ng PSA team sa inyong tahanan para sa registration.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa mas madaling transaksyon sa ating gobyerno.

Magtulungan po tayo para sa kapakanan ng ating mga lolo at lola! 👵👴

22/03/2026

📢 ABISO SA ATING MGA SENIOR CITIZENS (FEBRUARY BIRTHDAYS)

​Magandang araw, Barangay Addition Hills! Narito na ang iskedyul ng Birthday Payout para sa ating mga lolo at lola na nagdiwang ng kaarawan nitong buwan ng Pebrero.

​🗓️ ISKEDYUL NG PAYOUT:

​March 23, 2026 (9:00 AM)
📍 Molave Covered Court
​March 24, 2026 (9:00 AM)
📍 New Barangay Hall Lobby (Ground Floor)

​⚠️ MAHALAGANG PAALALA:

​Sino ang mga KASAMA? – Ang payout na ito ay para sa mga regular birthday celebrants ng Pebrero.

​Sino ang HINDI KASAMA? – Hindi po muna kasama sa mga petsang ito ang mga sumusunod:

​Mga may edad 80 hanggang 89 years old.
​Mga may edad 90 years old pataas.

​Para sa mga 80-90+ Years Old: Huwag mag-alala! Mangyaring antayin ang hiwalay na abiso kung kailan at saan ang inyong espesyal na payout schedule.

​Ano ang dapat dalhin? – Huwag kalimutang dalhin ang inyong Original Senior Citizen ID.

​Maraming salamat po at Happy Birthday sa ating mga celebrants! 🎂💙

Isang "Purple Saturday" na puno ng saya at serbisyo! 💜Ngayong umaga, naging makulay at masigla ang ating pagdiriwang ng ...
21/03/2026

Isang "Purple Saturday" na puno ng saya at serbisyo! 💜

Ngayong umaga, naging makulay at masigla ang ating pagdiriwang ng National Women’s Month sa Barangay Addition Hills. Sa pangunguna ng Association of the Senior Citizen in Mandaluyong (ASCIM) - Addition Hills Chapter, matagumpay nating naisagawa ang:

🏃‍♀️ Zumba Fitness Marathon sa Molave Court – kung saan ipinamalas ng ating mga lola at kababaihan ang kanilang lakas at liksi!
🍲 Feeding Program – sa pakikipagtulungan ni Kagawad Andrea Alim, upang masiguro na hindi lang katawan ang malakas, kundi busog din ang lahat.

Salamat sa lahat ng nakiisa at naki-Zumba! Tunay na ang mga kababaihan sa ating komunidad ay simbolo ng kalusugan, katatagan, at malasakit.

PARA SA ATING MGA LOLO AT LOLA SA ADDITION HILLS! 👵👴​Kailangan niyo ba ng bagong tungkod para sa mas ligtas na paglalaka...
05/03/2026

PARA SA ATING MGA LOLO AT LOLA SA ADDITION HILLS! 👵👴

​Kailangan niyo ba ng bagong tungkod para sa mas ligtas na paglalakad? Narito ang magandang balita! Maaari na kayong makipag-ugnayan sa ating barangay.

​📍 Saan pupunta?

Sa Tanggapan ng Senior Citizen Affairs ng Barangay Addition Hills.

​📜 Ano ang kailangang dalhin?

Photocopy o Xerox ng ​Senior Citizen ID (Dapat ay naka-address sa Barangay Addition Hills)

​👤 Sino ang hahanapin?

​Hanapin lamang si Ms. Jing Demadura o kahit sino sa ating mga masisipag na kawani ng departamento.

​Mahalaga ang mas ligtas at matatag na paghakbang! ❤️

📢 ANUNSYO PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS! 📢​Pinapaalalahanan ang lahat ng mga Senior Citizen sa Barangay Addition Hil...
05/03/2026

📢 ANUNSYO PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS! 📢

​Pinapaalalahanan ang lahat ng mga Senior Citizen sa Barangay Addition Hills na kasalukuyang nakatatanggap ng Social Pension na magtungo sa ating tanggapan.

​Ito ay para sa pagpaparehistro sa programang:
✨ "BASTA BERIPIKADO, MABILIS ANG SERBISYO" ✨

​Layunin ng programang ito na mas mapabilis at mapadali ang paghahatid ng mga benepisyo para sa inyo.

​📍 Saan: Senior Citizen’s Affairs Office - New Barangay Hall Addition Hills

🆔 Requirement: National ID o Senior Citizen’s ID

​Siguraduhin nating updated ang inyong record para sa tuluy-tuloy at mabilis na pagtanggap ng inyong mga benepisyo. Share po natin ito sa ating mga Lolo at Lola! 👵👴

Address

Barangay Addition Hills
Mandaluyong
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share