Philippine Charity Sweepstakes Office

Philippine Charity Sweepstakes Office PCSO, Hindi Umuurong Sa Pagtulong. Pagkakaisa Para Sa Kawanggawa. PCSO, Kinabukasan at Pag - Asa. Government Agency

09/09/2026
08/09/2026
TINGNAN: Ipinagkaloob ni PCSO Executive Assistant Atty. Maria Katrina Nicole Ventanilla ang mga ChariTimba mula sa Phili...
08/09/2026

TINGNAN: Ipinagkaloob ni PCSO Executive Assistant Atty. Maria Katrina Nicole Ventanilla ang mga ChariTimba mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa 2nd Air Force Wing Reserve sa ilalim ng Philippine Air Force Command, 2nd Air Reserve Center, ngayong Setyembre 8, 2026.

Malugod namang tinanggap ni 23rd Air Force Group Reserve Deputy Group Commander LTC Melissa Feliciano ang mga donasyon sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.

Patuloy na isinusulong ng PCSO ang Corporate Social Responsibility (CSR) Program nito upang mapalawak ang serbisyong hatid at makatulong sa mas maraming komunidad.




08/09/2026
08/09/2026
TINGNAN: Namahagi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mga ChariTimba para sa mga residente ng 2nd Distri...
08/09/2026

TINGNAN: Namahagi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mga ChariTimba para sa mga residente ng 2nd District ng La Union ngayong araw, Setyembre 8, 2026, sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.

Pinangunahan ni Executive Assistant Atty. Maria Katrina Nicole Ventanilla ang turnover ng mga ChariTimba kay Legislative Officer Joseph Cacanindin, na kumatawan kay Congressman Dante Garcia.

Bahagi ang aktibidad ng Corporate Social Responsibility (CSR) Program ng PCSO, na naglalayong magbigay ng karagdagang suporta sa mga komunidad at Pilipinong higit na nangangailangan.




07/09/2026
WE ARE HIRING! 📣Maging bahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).Tumatanggap na ngayon ng mga aplikasyon pa...
07/09/2026

WE ARE HIRING! 📣

Maging bahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tumatanggap na ngayon ng mga aplikasyon para sa labing-anim (16) na vacant plantilla positions. Ang mga interesado at kwalipikadong aplikante ay maaaring mag-apply hanggang September 14, 2026.

PAANO MAG-APPLY? 🤔

Bisitahin ang PCSO Careers Page para sa kumpletong listahan ng mga bakanteng posisyon, qualification standards, application requirements, at iba pang detalye: www.pcso.gov.ph/About/Careers.aspx

TINGNAN: Tumanggap ang Barangay Sadsadan, Bauko, Mountain Province ng iba’t ibang gamot, mobility aids, at medical devic...
07/09/2026

TINGNAN: Tumanggap ang Barangay Sadsadan, Bauko, Mountain Province ng iba’t ibang gamot, mobility aids, at medical devices mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa turnover ceremony na ginanap ngayong Setyembre 7, 2026, sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.

Pinangunahan ni PCSO Assistant General Manager for Gaming, Product Development, and Marketing Sector Atty. Lyssa Grace Pagano ang turnover ng mga wheelchair, tungkod, walker, BP apparatus, pulse oximeter, glucometer, nebulizer, at tangke ng oxygen kay Barangay Captain Shearbourn Lawilao.

Ayon kay Lawilao, malaking tulong ang mga ipinagkaloob na gamot at kagamitang medikal, lalo na sa mga pamilyang kapos sa buhay. Dagdag pa niya, dahil nasa bulubunduking bahagi ng Cordillera ang barangay, mas mapapadali nito ang access ng mga residente sa kinakailangang gamot at serbisyong pangkalusugan nang hindi na kailangang bumiyahe patungo sa kabayanan.

Isinagawa ang turnover bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) at Medicine Donation Program ng PCSO, na naglalayong palakasin ang mga programang pangkawanggawa at maihatid ang kinakailangang tulong sa mga komunidad at Pilipinong higit na nangangailangan.




TINGNAN: Nagkaloob ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng ₱1,485,000.00 Institutional Partnership Program (...
07/09/2026

TINGNAN: Nagkaloob ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng ₱1,485,000.00 Institutional Partnership Program (IPP) grant para sa Little Sisters of the Abandoned Elderly, Inc. Pinangunahan ni General Manager Melquiades Robles ang turnover ceremony na ginanap ngayong Setyembre 7, 2026, sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.

Nagpaabot ng pasasalamat sina Sr. Adelina Cuellar at Sr. Monica Corpuz, sa ngalan ni Sr. Sandra da Silva, Mother Superior ng institusyon, para sa natanggap na donasyon. Ang Little Sisters of the Abandoned Elderly, Inc. ay isang Non-Government Organization (NGO) na nangangalaga sa mga matatandang walang tirahan, may karamdaman, kapos sa buhay, at mga inabandona ng kanilang pamilya.

Gagamitin ang pondo para sa proyektong pangkalusugan na naglalayong matugunan ang pangangailangan sa gamot at laboratoryong pagsusuri para sa 75 mahihirap na nakatatanda na nasa kanilang pangangalaga.

Bahagi ang aktibidad ng Institutional Partnership Program (IPP) ng PCSO, na naglalayong suportahan ang mga institusyong nagbibigay ng makabuluhang serbisyong panlipunan at pangkalusugan sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.




Address

Sun Plaza Building, 1507 Princeton Street Corner Shaw Boulevard
Mandaluyong
1552

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+63289970245

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Charity Sweepstakes Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share