10/09/2026
** SEPTEMBER 10 โ LIMANG (5) PALAPAG NA MULTIPURPOSE BUILDING NG BRGY. BARANGKA ILAYA, PINASINAYAAN NA! **
Pinangunahan po natin ngayong umaga, kasama ang inyong former Cong. Boyet, ang pagpapasinaya ng bagong five-storey Multipurpose Building ng Barangay Barangka Ilaya. Si Boyet po ang nagpasimula ng pagpapatayo nito, na atin pong ipinagpatuloy upang matapos maipagawa.
๐ธIto ang magsisilbing sentro ng administrative functions at ibaโt ibang serbisyo ng barangay, kabilang ang day care, health center, pre-natal at dental Services, at iba pang serbisyong pangkomunidad.
Mayroon din itong function hall na maaaring gamitin para sa mga indoor recreational at community activities, assemblies, disaster response operations, social services, cultural events, at iba pang mahahalagang gawaing sibiko ng barangay. โ๏ธ
Maraming salamat muli sa pakikipagtulungan sa ating opisina ni Kap. Joselito Pangilinan at kanyang buong Council, gayon din sa lahat ng nakiisa sa ating isinagawang pagpapasinaya ngayong araw ng proyektong ito.๐งก