10/07/2026
📢 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 l 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 🌪️🌧️
Ang ating BLSU- Barangay Life Support Unit Barangay Old Zaniga kasama ang ating Akting Punong Barangay Erika Javier ay nakapaghanda at nakaposisyon upang tumugon sa anumang sakunang maaaring idulot ng Bagyong Inday.
Patuloy tayong nakabantay at handang magbigay ng agarang tulong at serbisyo sa ating mga kababayan kung kinakailangan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.
⚠️ PAALALA SA MGA RESIDENTE
• Manatiling alerto at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, CDRRMO, at Pamahalaang Barangay Old Zaniga.
• Maghanda ng emergency go bag na may pagkain, inuming tubig, gamot, flashlight, power bank, at mahahalagang dokumento.
• Bigyang-pansin ang kaligtasan ng mga bata, senior citizens, buntis, at persons with disabilities (PWDs).
• Iwasang lumusong sa baha at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.
🛵 PANSAMANTALANG PARKING PARA SA MGA MOTORSIKLO
Bukas na ang mga sumusunod na ligtas na parking area habang may banta ng pagbaha:
📍 Barangay Hall – Parada Street
📍 Barangay Multi-Purpose Hall – Vicencio Street
🚗 PARA SA MGA SASAKYAN
Kung kinakailangan, maaari ring pansamantalang magpark sa kahabaan ng Aglipay Street, basta’t hindi ito makahahadlang sa daloy ng trapiko at sa pagdaan ng mga emergency vehicles.
🚨 KUNG KAILANGAN NINYO NG TULONG
Kung kayo ay nasa mababang lugar at nangangailangan ng rescue, paglikas, o anumang agarang tulong, makipag-ugnayan lamang sa ating mga emergency responders na nakaantabay anumang oras.
BARANGAY OLD ZANIGA HOTLINES
📞 0992-907-0398
📞 0955-739-0500
MANDALUYONG CDRRMO
☎️ (02) 8533-1897
☎️ (02) 8533-2225
📱 0956-427-3727
📱 0961-696-5141
🚑 MCMC: (02) 8539-5500
🆘 National Emergency Hotline: 911
🤝 Ang PAAC, sa pakikipagtulungan ng Office of the Akting Punong Barangay at ng buong Pamahalaang Barangay Old Zaniga, ay patuloy na nakaantabay upang magbigay ng mabilis, maayos, at maagap na serbisyo sa bawat residente.
Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad. Isang tawag lamang, handa kaming tumugon.