16/08/2026
Parang bumalik ako sa pagkabata kanina. ๐ฅน๐
Sa totoo lang, pinag-isipan ko kung ano ang sasabihin ko. May kaba, may mga salitang paulit-ulit kong inayos sa isip ko. Pero nung nakita ko silang lahat na nakangiti, biglang nawala at naging komportableng humarap sa kanila.
Parang naging bata ulit ako.
Lumaki ako sa piling ng dalawang lola. Kaya iba ang pakiramdam kapag kasama ko sila. Namiss ko yung simpleng kwentuhan, yung lambing, yung pag-aalagaโฆ at higit sa lahat, yung pakiramdam ng may lolang handang umakbay saโyo at iparamdam na mahalaga ka.
Kanina, para akong batang nagsasayaw sa tuwa dahil nandiyan ang lolo at lola ko. ๐
Habang nandun ako, napagtanto ko na hindi pala kailangan ng perpektong salita. Minsan, mas mahalaga yung pagiging totoo natin yung pagiging masayahin, mapagmahal, at bukas na iparamdam sa ibang tao kung gaano sila kahalaga.
Akala ko ako ang magbibigay ng saya at surprise sa kanila.
Pero sa huli, ako pala ang may iuuwi na pinakamagandang regalong mga alaala.
Kung hindi ko man nagawa ang lahat ng gusto kong gawin noon para sa dalawang lola na kinalakihan ko, nagpapasalamat ako na binigyan pa ako ng pagkakataon na maipakita at maipadama ang pagmamahal na iyon sa mas marami pang lolo at lola.
Namiss ko ang alaga at pagmamahal ng isang lola. At kahit sandali lang, kaninaโฆ parang nakauwi ulit ako sa pagkabata. ๐ฅน๐
Maraming salamat sa inyong mga ngiti, kwento, yakap, at pagmamahal. Kayo naman ang nagpasaya sa akin. ๐๐ฅนโจ