16/07/2026
Isang tawag ng bayanihan, mga taga-Barangay Vergara!
Kayo po ay aming inaanyayahan na makiisa sa CSO Mandaluyong Blood Letting Activity bukas, Hulyo 17, 2026 (Biyernes), mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa Atrium, Executive Building, Maysilo, Plainview.
Ang simpleng pag-donate ng iyong dugo ay may kapangyarihang magbigay ng panibagong pag-asa at magligtas ng hanggang tatlong buhay.
Mag-alay ng dugo, magdugtong ng buhay. Kita-kita po tayo bukas, mga kapwa ko taga-Vergara!