24/08/2026
Personal na nagtungo si Cabinet Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa Presidential Action Center (PACe) at 8888 Citizens’ Complaint Center upang alamin ang mga hinaing at pangangailangan ng mga mamamayang humihingi ng tulong sa pamahalaan.
Para sa kabataan, mahalaga ang isang pamahalaang accessible, responsive, at handang makinig—dahil ang bawat boses ng mamamayan ay dapat may pagkakataong marinig at matugunan.
Sa KF, naniniwala tayo na ang mabuting pamamahala ay hindi lang tungkol sa paggawa ng mga programa. Nagsisimula ito sa pakikinig sa tao at pagkilos para sa kanila.