24/03/2026
MANDALUYONG, NO. 1 SA PAGSUGPO NG PAGKA-BANSOT (STUNTING) NG MGA BATA SA BUONG NCR.
NANGUNA ang Lungsod Ng Mandaluyong sa mga lokal na pamahalaan sa buong Metro Manila bilang pinakamahusay sa larangan ng pagsugpo ng pagka-bansot o stunted children, alinsunod sa inilabas na datos ng National Nutrition Council at ABS CBN News Channel.
Ipinagmamalaki ni Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong ang PINAKAMABABANG PORSYENTO NG PAGKABANSOT (STUNTING) o naantalang paglaki sa mga batang may edad 0–5 sa BUONG METRO MANILA.
Mula sa naitalang 0.168 prevalence rate, iilan na lamang o halos WALA nang bansot sa Tiger City bunsod ng strikto at epektibong implementasyon ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa lungsod.
“Walang puwang ang kapabayaan sa Mandaluyong,” diin ni Mayor Menchie habang tiniyak ang patuloy na pagbibigay ng wastong nutrisyon sa mga bata sa kanilang Unang Sanlibong Araw ng buhay or First 1000 days -mula sa pagbubuntis ng ina hanggang sa ikalawang taon ng bata.
Kilala bilang dating Millennium Baby Project, ang programang ito ay isang hakbang tungo sa mas matibay, mas malusog, at mas maunlad na kinabukasan para sa mga sanggol.
Ang bansot o stunted ay isang uri malnutrisyon kung saan ang isang bata ay masyadong mababa o maliit para sa kanilang edad, na madalas ay sanhi ng hindi pagkain ng tama, pangmatagalang malnutrisyon o kakulangan sa nutrisyon. Hindi lamang ito pisikal na katangian, kundi indikasyon din ng mabagal na pag-unlad ng utak at kakayahang matuto.
Para maiwasan ang stunting, napakahalagang matutukan ang pagkain ng masustansyang pagkain pagsunod sa "Pinggang Pinoy", kung saan ipinapakita ang dami ng dapat kaining gulay, kanin, karne o isda at prutas at pagkakaroon ng physical activities para sa mga bata.
Hawak ng Mandaluyong ang pinakamataas na parangal sa Nutrisyon na iginawad ng Department of Health at National Nutrition Council sa buong Pilipinas noong 2016 sa pamamahala ni dating Mayor Benhur Abalos Jr. at noo’y City Nutrition Action Officer Mayor Menchie Abalos.
*Official Data from NNC, OPT 2025
BILANG NG PAGKABANSOT SA METRO MANILA
Nangunguna ang Lungsod ng Maynila sa paglaganap ng pagkabansot sa edad na 0-5 sa Metro Manila, batay sa datos ng Operation Timbang Plus.