16/01/2026
📣 PAALALA SA PUBLIKO | Tricycle Fare Matrix sa Mandaluyong 📣
Ipinapaalam ng Mandaluyong City – Tricycle Regulatory Office (TRO) at CTPMD na ang ipinapakitang Tricycle Fare Matrix sa poster ay ang kasalukuyang umiiral at ipinatutupad na pamasahe alinsunod sa Ordinance No. 859, S-2021.
Gayunpaman, nais ding ipabatid sa publiko na may nakabinbing apela na inihain ng ilang Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) hinggil sa posibleng pag-amyenda sa kasalukuyang pamasahe.
Hangga’t wala pang opisyal na desisyon at anunsyo mula sa Pamahalaang Lungsod, ang kasalukuyang fare matrix ang patuloy na ipinatutupad.
🚖 Para sa mga pasahero:
May karapatan kayong singilin ng tamang pamasahe. Kung kayo ay siningil ng sobra, itala ang body number ng tricycle at i-report ito sa CTPMD at TRO gamit ang mga contact details sa poster.
👨✈️ Para sa mga tsuper at operator:
Patuloy na ipatupad ang umiiral na fare matrix habang dinidinig ang apela upang maiwasan ang reklamo, multa, at iba pang pananagutan.
📌 Ang anumang pagbabago sa pamasahe ay ipaaalam sa publiko sa pamamagitan ng opisyal na anunsyo ng Lungsod ng Mandaluyong.
Ang tamang pasahe ay karapatan ng bawat pasahero.
Makiisa tayo sa patas, maayos, at ligtas na biyahe sa Mandaluyong.