29/05/2026
๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ง๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก, ๐๐ก๐๐๐จ๐ก๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฉ๐๐๐๐ก๐ญ๐จ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ-๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ก๐ฌ๐ข ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng Ligtas Tigdas Campaign sa darating na buwan ng Hunyo, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, katuwang ang Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) at United Nations Children's Fund (UNICEF), ang kampanya ngayong Mayo 29, 2026 sa New Barangay Hall, San Miguel Heights, Marulas, Valenzuela City.
Bahagi ng kampanya ang pagbabakuna laban sa tigdas at tigdas hangin at pagbibigay ng Vitamin A supplementation para sa mga batang edad anim hanggang limampu't siyam na buwang gulang upang mapalakas ang kanilang proteksyon laban sa sakit at suportahan ang kanilang malusog na paglaki at pag-unlad.
Dinaluhan ito nina DOH-MMCHD Regional Director Dr. Lester M. Tan, OIC-Assistant Regional Director Dr. Janice Kathleen R. Malesido, City Health Officer Dr. Anthony B. Cu, at Dr. Wendell Asuncion ng UNICEF, kasama ang mga kinatawan mula sa National Immunization Program, Nutrition Team, Human Resources for Health, mga Barangay Health Workers, mga magulang, at mga batang kabilang sa target population ng kampanya.
Sa buong buwan ng Hunyo, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, kasabay ng iba pang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ng mga vaccination activities at Vitamin A supplementation upang mas maraming bata ang mabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas hangin.