Mandaluyong City Public Information Office

Mandaluyong City Public Information Office The official page of the Mandaluyong City Public Information Office A local government that is for the people and by the people.

The MandaluyongPIO is the official page of the City Government of Mandaluyong primarily created for the timely dissemination of verified information on the various programs, projects, activities and relevant events of the City Government, with inclusive, participatory, accountable and transparent governance for every Juan in the City.

13/06/2026

MANDALUYONG CITY FLOOD UPDATE

As of JUNE 13 2026
Time: 9:50 PM

CODE A- MADADAANAN NG SASAKYAN

Barangay Bagong Silang
- Shaw Blvd (Hypermarket)

PAG-ALAY NG MGA BULAKLAK SA HISTORICAL MONUMENTSGinunita ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ng City Cu...
12/06/2026

PAG-ALAY NG MGA BULAKLAK SA HISTORICAL MONUMENTS

Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ng City Cultural Affairs and Tourism Department, ang pag-alay ng mga bulaklak sa lahat ng historical monuments na matatagpuan sa Mandaluyong bilang bahagi ng pagdiwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng ating bansa.

Wala ang tinatamasang kalayaan natin sa ngayon kundi dahil sa sakripisyo at pagmamahal ng ating mga ninuno.

Mabuhay ang Pilipinas!🇵🇭

KALAYAAN LOCAL AND OVERSEAS JOB FAIR 2026Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa Kalayaan Job Fair na kasaluku...
12/06/2026

KALAYAAN LOCAL AND OVERSEAS JOB FAIR 2026

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa Kalayaan Job Fair na kasalukuyang nagaganap sa Megamall A, Cinema 3, Level 3 hanggang 4:00 PM ngayong Araw ng Kalayaan (Hunyo 12, 2026).

Ang lokal at overseas job fair na ito o Trabaho para sa Super Pinoys ay magkatuwang na isinasagawa ng SM Supermalls, Department of Labor and Employment, Technical Education And Skills Development Authority, Public Employment Service Office, at iba pang sangay ng gobyerno, ganundin ng mga non-profit private groups upang magbigay ng libo-libong lokal at overseas na trabaho para sa mga Pilipino.

Karaniwang trabahong bakante na hinahanap ay customer assistant at sales associate, cashier at bagger, store at stock clerk, service crew at kitchen staff, office at technical support staff. May on-site government booths din (SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, BIR) para madali maayos ang mga pre-employment requirements ng mga aplikante.

ATM:2026 LOCAL AND OVERSEAS KALAYAAN JOB FAIR @ SM MEGAMALL A, CINEMA 3, LEVEL 3, 8:00AM TO 4:00PM
12/06/2026

ATM:

2026 LOCAL AND OVERSEAS KALAYAAN JOB FAIR @ SM MEGAMALL A, CINEMA 3, LEVEL 3, 8:00AM TO 4:00PM

ARAW NG KALAYAAN 2026Kasama ng buong Sambayanang Pilipino sa pagpapanatili ng diwa ng kalayaan ng Republika ng Pilipinas...
12/06/2026

ARAW NG KALAYAAN 2026

Kasama ng buong Sambayanang Pilipino sa pagpapanatili ng diwa ng kalayaan ng Republika ng Pilipinas, ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay ipinagdiriwang ang ika-128 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2026.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating pahalagahan ang kalayaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan para sa mas maunlad na Pilipinas.

11/06/2026
📢 MANDALEÑO!💉 Sugod na sa SM Megamall, sa tapat ng TIMEZONE, at dalhin ang inyong mga anak na may edad 6 hanggang 59 buw...
11/06/2026

📢 MANDALEÑO!

💉 Sugod na sa SM Megamall, sa tapat ng TIMEZONE, at dalhin ang inyong mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan para sa LIGTAS TIGDAS Bakunahan!

📅 Hunyo 12, 2026 (Biyernes)
⏰ 10:00 AM – 3:00 PM
📍 SM Megamall, tapat ng Timezone, Lower Ground Floor Bldg. A Bridgeway

Protektahan ang inyong mga anak laban sa tigdas at tigdas hangin. Libre, ligtas, at epektibo-mahalagang hakbang para sa kanilang kalusugan at kinabukasan.

UTILITY CABLES GROOMING SA MANDALUYONGNagsagawa ng grooming ng utility cables sa BARANGAY PLAINVIEW:- BULALAKAW ST.- FLO...
11/06/2026

UTILITY CABLES GROOMING SA MANDALUYONG

Nagsagawa ng grooming ng utility cables sa BARANGAY PLAINVIEW:

- BULALAKAW ST.
- FLORANTE ST.
- SAMPAGUITA ST.

Ito ay bahagi ng Phase 1 ng Integrated Underground Wiring and Utilities Structure (IUWUS) Plan ng Mandaluyong na patuloy na isinasagawa ng pamahalaang lungsod sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at Sangguniang Panlungsod.

Ang mga susunod na hakbang sa IUWUS Plan ay ilipat ang mga kawad ng kuryente at utility cables sa ilalim ng lupa upang masiguro ang kaligtasan, kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa Mandaluyong.

10/06/2026

BALIK ESKWELA 2026

Mga Batang Mandunong ng Mandaluyong High School ay tumanggap ng kumpletong set ng uniporme, iba't ibang school supplies, emergency kits kabilang ang Go Bags. Bahagi ito ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos sa iba't ibang paaralaan sa lungsod para matiyak na handa, ligtas, at may sapat na kagamitan ang mga Batang Mandaleño sa pamamagitan ng pagbibigay hindi lamang ng mga pangangailangan sa pag-aaral kundi maging ng mga emergency kits para sa kanilang kahandaan sa anumang sakuna o emerhensiya.

10/06/2026

Address

4F PUBLIC INFORMATION OFFICE, EXECUTIVE BUILDING
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mandaluyong City Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mandaluyong City Public Information Office:

Share