19/03/2026
Ang Taunang Pagtatapos, Seremonya ng Paglakdaw, at Pagkilala ng Jose Fabella Memorial School – National Training School for Boys na may temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao” ay matagumpay na idinaos noong ika-19 ng Marso 2026 sa NTSB Quadrangle, Sampaloc, Tanay, Rizal.
Ang nasabing palatuntunan ay dinaluhan ng mga nagsipagtapos sa Senior High School, mga Grade 10 Completers, at nagtapos sa Ika-anim na Baitang para sa Taong Panuruan 2025–2026.
Ipinakilala at pinatunayan ng Punong G**o na si G. Roberto P. Redobante ang mga nagsipagtapos, at ito naman ay pinagtibay ng Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay ng mga Paaralan na si Dr. Aurelio G. Alfonso, CESO V.
Nagbigay ng mahalagang mensahe ang Panauhing Pandangal na si G. Domingo Ramirez Jr., mula sa Batch 2008. Nagsilbi namang Keynote Speaker si Hon. Judge Edwin Valdez ng Family Court Branch 7, Marikina City.
Nagpahatid din ng kanilang mensahe ng pagbati sina Hon. Associate Justice Robert Victor C. Marcon, dating Presiding Judge ng Family Court Branch 3, Makati City; Hon. Judge Myla M. Villavicencio-Olan, Presiding Judge ng Family Court Branch 7, San Pablo City, Laguna; Hon. Judge Flordeliza Fargas, Presiding Judge ng RTC Branch 5, Trece Martires City, Cavite; Bb. Marizal Bangniwan, Center Head ng DSWD-Haven for the Elderly; at Atty. Phoebellyn Carreon, Chief Administrative Officer ng DSWD Region IV-A.
Nasa entablado rin sina Gng. Carina B. Sulse, Satellite Unit Coordinator; Bb. Ellen C. Belmonte, OIC Center Head ng DSWD-NTSB; Konsehal Roger Catolos; at G. Jaime Ruelo Jr., Administrative Assistant ng Barangay Sampaloc.
Ang programa ay naging ganap na matagumpay sa tulong ng mga panauhing naglaan ng kanilang oras upang magbigay ng inspirasyon sa mga nagsipagtapos at sa buong komunidad ng JFMS- NTSB.
CONGRATULATIONS Batch 2026! 👏🎉
Sa Fabella Bata ang Bida 🙂❤️
✍️ Sir Rex Oliran
Photos: Mam Karen Macalutas, Sir Elvin Capal & Sir Rex Oliran