29/05/2026
𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗜𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗦𝘂𝗯𝗱𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗶𝗻𝘀, 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻: 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗼𝗮𝗴, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆𝗮 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗹𝗶𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗲𝗿𝘀
May 23, 2026
“𝙎𝙞𝙜𝙪𝙧𝙖𝙙𝙤 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙖𝙩 𝙡𝙚𝙜𝙖𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙣𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞?”
Ito ang isa sa mga pangunahing mensaheng tinalakay sa ginanap na 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘌𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘢𝘮𝘱𝘢𝘪𝘨𝘯 tungkol sa “𝙏𝙝𝙚 𝙄𝙢𝙥𝙖𝙘𝙩 𝙤𝙛 𝙄𝙡𝙡𝙚𝙜𝙖𝙡 𝙎𝙪𝙗𝙙𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙤𝙣 𝙐𝙧𝙗𝙖𝙣 𝙎𝙥𝙧𝙖𝙬𝙡: 𝘼𝙨𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙃𝙤𝙬 𝙐𝙣𝙡𝙞𝙘𝙚𝙣𝙨𝙚𝙙 𝙎𝙪𝙗𝙙𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣𝙨 𝘾𝙤𝙣𝙩𝙧𝙞𝙗𝙪𝙩𝙚 𝙩𝙤 𝙋𝙤𝙤𝙧 𝙎𝙖𝙣𝙞𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙊𝙫𝙚𝙧𝙥𝙤𝙥𝙪𝙡𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙖𝙣𝙙 𝙇𝙖𝙘𝙠 𝙤𝙛 𝘼𝙙𝙚𝙦𝙪𝙖𝙩𝙚 𝙄𝙣𝙛𝙧𝙖𝙨𝙩𝙧𝙪𝙘𝙩𝙪𝙧𝙚.”
Ang programa ay isinagawa ng 𝗥𝗲𝗮𝗹 𝗘𝘀𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗕𝗿𝗼𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 (𝗥𝗘𝗕𝗔𝗣) sa pangunguna ni Ms. Aixa De Guzman, Licensed Real Estate Broker at President ng Manaoag Business Club, upang mabigyang kaalaman ang publiko hinggil sa masamang epekto ng mga iligal na subdivisions sa urban planning, kalinisan, imprastraktura, at kapakanan ng komunidad.
Nagpahayag naman ng buong suporta si 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗲𝗿𝗲𝗺𝘆 𝗔𝗴𝗲𝗿𝗶𝗰𝗼 “𝗗𝗼𝗰 𝗠𝗶𝗻𝗴” 𝗕. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗶𝗼 sa kampanya laban sa mga “illegal land developers” na nagbebenta ng lupa nang walang kaukulang permits at License to Sell.
Ayon kay Mayor Rosario, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng bayan ng Manaoag at pagdami ng mga nais mamuhunan sa real estate, mahalagang maging mapanuri ang publiko at tiyaking sa mga lisensyadong real estate brokers at lehitimong developers lamang makikipagtransaksyon.
Binigyang-diin din ng alkalde na naglabas na ang lokal na pamahalaan ng suspension orders laban sa mga iligal na nagbebenta ng lupa at mga hindi kumuha ng kinakailangang permits at lisensya mula sa mga kinauukulang ahensya.
Patuloy namang hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Manaoag ang publiko na beripikahin muna ang mga dokumento, permits, at licenses bago bumili ng anumang ari-arian upang matiyak ang ligtas, legal, at responsableng pamumuhunan.
#𝗢𝗻𝗲𝗠𝗮𝗻𝗮𝗼𝗮𝗴
#𝗡𝗼𝗧𝗼𝗜𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹𝗟𝗮𝗻𝗱𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗲𝗿𝘀