08/09/2025
PUBLIC ADVISORY..‼️📢📢
Ang tanggapan po ng Municipal Treasurer's Office - LGU Mamburao ay patuloy na nagsasagawa ng house-to-house tax campaign sa lahat ng barangay na sakop ng ating bayan.
Ang gawain pong ito ay bahagi pa rin ng implementasyon ng ating Real Property Valuation and Assessment Reform Act o RPVARA (Republic Act 12001).
☑️ Para po sa mga may ari-ariang natitinag at di- natitinag na may mga hindi nabayarang buwis, kayo po ay makakatanggap ng Notice of Delinquency buhat sa aming tanggapan. Ito po ay upang maipaabot/maipaalam sa inyo ang inyong tax bill simula sa taon na hindi nabayaran hanggang ngayong taon, 2025.
☑️ Ito po ay magandang oportunidad para sa ating lahat na i-avail ang amnesty na kung saan ay maaari po tayong magbayad ( full or partial payment) ng walang pataw na interes..
☑️ Maaari lamang po nating i- avail ang tax amnesty hanggang sa susunod na taon, July 5, 2026
☑️ Kaya't ano pa po ang iniintay nyo? Halina't sama sama po nating samantalahin ang pagkakataon na makabayad ng ating buwis ng walang interes..
☑️ Para po sa inyong mga katanungan at pagllilinaw, maari po kayong magtungo sa aming tanggapan, Municipal Treasurer's Office na matatagpuan sa Ground Floor, Municipal Building- LGU Mamburao.
MARAMING SALAMAT PO..‼️📢📢