Business Permit and Licensing Office- Mamburao

Business Permit and Licensing Office- Mamburao Official page of Business Permit and Licensing Office — Mamburao, Occidental Mindoro

Ipinagpapatuloy ngayong ikalawang araw ang Business One-Stop-Shop kung saan sama-samang naglilingkod ang iba’t ibang tan...
06/01/2026

Ipinagpapatuloy ngayong ikalawang araw ang Business One-Stop-Shop kung saan sama-samang naglilingkod ang iba’t ibang tanggapan upang mas mapabilis, mas mapagaan, at mas mapalapit sa ating mga negosyante ang serbisyong bayan.


05/01/2026
SAMA-SAMANG SERBISYO PARA SA MAS MABILIS NA PROSESO! Isinasagawa ngayon ang unang araw ng Business-One-Stop-Shop ng Pama...
05/01/2026

SAMA-SAMANG SERBISYO PARA SA MAS MABILIS NA PROSESO!

Isinasagawa ngayon ang unang araw ng Business-One-Stop-Shop ng Pamahalaang Lokal katuwang ang iba’t ibang lokal at pambansang tanggapan upang mapabilis at mapagaan ang pagproseso ng mga kinakailangang dokumento ng ating mga negosyante.

Sama-sama nating itaguyod ang maayos at mas pinadaling serbisyo para sa mas masiglang ekonomiya ng ating bayan MAMBURAO.


January 3, 2026 ( Saturday ) Ang Business Permit and Licensing Office katuwang ang MTO at MMO ay sama-samang naghahanda ...
03/01/2026

January 3, 2026 ( Saturday )

Ang Business Permit and Licensing Office katuwang ang MTO at MMO ay sama-samang naghahanda para sa BUSINESS ONE STOP SHOP at sa paparating na business renewal period.

📣 Inaanyayahan ang lahat ng may mga negosyo na mag-renew sa tamang panahon upang makakuha ng diskwento, mas mapabilis ang proseso at maiwasan ang mahabang pila.

26/12/2025

Last working day for 2025!!! ✨🤙🏼💚

Magandang balita para sa ating mga business owners para sa taong 2026. Sa kagustuhan natin maging madali ang pagkuha ng “business permit” at “renewal” nito, binawasan natin ang mga hahanaping requirements ng ating BPLO (Business Pemit and Licensing Office). Mula sa mahabang listahan ng nakaraan na hirap ma comply, ngayon mas pinaikli natin ito.

Inaasahan din na pagkatapos ng kontruksyon ng ating bagong E-BOSS (Electronic Business One Stop Shop), magkakaroon ng trial run ito na naglalayon ng mas pabilisin pa ang application at renewal ng business permits at magkaroon ng option na sa online portal magsubmit ng dokumento at magbayad para less hassle sa ating mga kababayan. Hakbang ito sa pagpapabilis at pagigiging transparent ng ating pamahalaan sa ating pinaglilingkuran. Hayaan niyo po kami i finalize lang muna ang programa ng nasabing opisina.

Asahan niyo po patuloy ang ating reporma na gagawin. Tuloy tuloy lang para sa taong 2026, Mamburao Naman!
💚💙💚

📣Para sa pagbibigay-alam sa publiko tungkol sa mga kinakailangan para sa pag-renew  at pagkuha ng Business Permit sa bay...
23/12/2025

📣Para sa pagbibigay-alam sa publiko tungkol sa mga kinakailangan para sa pag-renew at pagkuha ng Business Permit sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro, ang pinakamabisang paraan ay makipag-ugnayan nang direkta sa lokal na pamahalaan ng Mamburao, partikular sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

28/11/2025
19/11/2025

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗕𝗜𝗦𝗢: 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 📢

​Inaanyayahan ng Sangguniang Bayan ng Mamburao ang publiko at lahat ng interesadong sektor na dumalo sa ating Public Hearing para sa Proposed Revision of the Municipal Tax Code.

​Ang layunin ng pagtitipon na ito ay upang dinggin ang inyong mga pananaw, komento, at rekomendasyon ukol sa mga pagbabagong iminumungkahi sa ating lokal na batas sa buwis. Ang inyong partisipasyon ay mahalaga upang masiguro na ang ating Tax Code ay patas at akma sa pangangailangan ng ating bayan.

​📅 KAILAN: Nobyembre 24, 2025 (Lunes)
🕐 ORAS: 1:00 PM
📍 SAAN: Municipal Gymnasium, Mamburao

​Inaasahan po namin ang inyong pagdalo. Maraming salamat po!

Happy Birthday Ma’am Theresa Ria Colarina Celestial🎉 Wishing you more success, good health, and happiness. Thank you for...
06/11/2025

Happy Birthday Ma’am Theresa Ria Colarina Celestial🎉 Wishing you more success, good health, and happiness. Thank you for your leadership and guidance! 🙌💐

Happy birthday to an amazing boss‼️🥳🥳

We hope your day is as wonderful and remarkable as YOU are‼️

Wishing you a year of continued success‼️

Cheers to YOU today‼️🥳🎂

Address

Barangay 8
Mamburao
5106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Business Permit and Licensing Office- Mamburao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share