26/03/2026
Kasabay ng idinideklarang nationwide energy crisis at ng mga hakbang ng ating LGU upang magtipid, ang Sangguniang Bayan ay mabilis na umaaksyon upang protektahan ang ating mga kababayan sa Mamburao.
Naiintindihan natin ang bigat ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, lalo na sa ating mga tricycle drivers, operators, at mga araw-araw na pasahero. Bukod dito, kailangan din nating siguraduhin na walang mananamantala sa sitwasyon sa pamamagitan ng pag-hoard o labis na pagpapataas ng presyo ng gasolina.
Kaya naman, inaanyayahan ko po ang lahat na dumalo sa ating Public Hearing bukas, March 27, 2026, 2:00 PM sa Municipal Gymnasium. Tatalakayin natin ang:
๐AGENDA:
1. Ang hiling na dagdag-pamasahe ng MamTODAFed bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
2. Ang panukalang ordinansa laban sa Hoarding at Predatory Pricing ng produktong petrolyo upang maprotektahan ang mga mamimili sa panahon ng krisis.
๐ Kailan: March 27, 2026 (Biyernes)
๐ Oras: 2:00 PM
๐ Saan: Municipal Gymnasium, Municipal Compound
Mahalaga po ang inyong boses. Magtulungan tayo upang mahanapan ng patas at mabilis na solusyon ang krisis na ito. Kita-kits po tayo bukas!