09/03/2026
๐ฐ-๐๐๐ฌ ๐ช๐ข๐ฅ๐ ๐ช๐๐๐, ๐๐ฃ๐๐ง๐จ๐ง๐จ๐ฃ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐ง๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐ข๐ฅ๐ข
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Malacaรฑang, na nag-uutos sa mga tanggapan ng pamahalaan na magpatupad ng energy conservation protocols, ipinatutupad ni Governor Ed Gadiano ang Four-Day Work Week sa mga opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, simula bukas, Marso 10, 2026, sa bisa ng Memorandum PGO-2026-23.
Sa ilalim ng bagong work arrangement:
โข Monday โ Thursday: Onsite work (7:30 AM โ 6:30 PM)
โข Friday : Closed (Energy Conservation Day)
Samantala, ang mga tanggapan naman na nagbibigay ng essential services tulad ng kalusugan, pampublikong kaligtasan, at mga serbisyong pang-emergency ay mananatiling ganap na operational upang matiyak na hindi maaantala ang mga kritikal na serbisyo para sa mamamayan.
Upang makasunod sa 40-hour workweek requirement ng Civil Service Commission (CSC), ang oras ng trabaho ngayong araw, Marso 9, 2026, ay palalawigin hanggang 7:00 PM, at ang schedule na 7:30 AM hanggang 6:30 PM ay ipatutupad simula bukas, Marso 10, 2026.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pambansang programa para sa energy efficiency at conservation.
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข!
๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐, ๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ฃ๐!