Konsehal Kap Mel Ramirez

Konsehal Kap Mel Ramirez This is the official page of SB Melquiades ‘Mel’ Ramirez.

58th Regular Session Patuloy na paglilingkod ng tapat..pakikipagtulungan para sa maunlad na bayan..🙂😀🇵🇭
08/09/2026

58th Regular Session
Patuloy na paglilingkod ng tapat..pakikipagtulungan para sa maunlad na bayan..🙂😀🇵🇭

🇵🇭 Paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Bayan ng MamburaoIsang makabuluhang paggunita na dinaluhan ng liderato ng Lokal na...
31/08/2026

🇵🇭 Paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Bayan ng Mamburao

Isang makabuluhang paggunita na dinaluhan ng liderato ng Lokal na Pamahalaan at iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Patuloy nating isabuhay ang diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa bayan.

Mabuhay ang mga Bayani! 🇵🇭

📸 Larawan: VM Boy Masangkay

🇵🇭Mahalagang Hakbang Para sa Bayan ng Mamburao Naipasa at pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Mamburao ang D...
28/08/2026

🇵🇭Mahalagang Hakbang Para sa Bayan ng Mamburao
Naipasa at pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Mamburao ang Declaration of State of Calamity sa buong bayan, bilang tugon sa malawakang epekto ng matinding pag-ulan, pagbaha at patuloy na sama ng panahon.
Ang hakbang na ito ay naglalayong mapabilis ang pagtugon, paglalaan ng kinakailangang tulong, at paggamit ng mga pondo para sa agarang pagbangon at kaligtasan ng ating mga mamamayan.

Sa panahon ng kalamidad, sama-sama at nagkakaisa para sa bayan ng Mamburao.


SPECIAL SESSION Mahalaga pong maaprubahan natin ang kahilingan ng ating Punong Bayan tungkol sa reprogramming ng CY 2026...
20/08/2026

SPECIAL SESSION

Mahalaga pong maaprubahan natin ang kahilingan ng ating Punong Bayan tungkol sa reprogramming ng CY 2026 Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Investment Plan, sapagkat ito ay kinakailangan upang maiangkop ang paggamit ng ating pondo sa mga kasalukuyang pangangailangan at prayoridad ng ating munisipyo sa disaster risk reduction and management.

Sa pamamagitan nito, matitiyak na ang pondo ay magagamit nang maayos, naaayon sa itinakdang plano, at higit sa lahat, makatutugon sa mga pangangailangan ng ating mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng anumang kalamidad. Ang pag-apruba rin ng Sangguniang Bayan ay mahalagang bahagi upang maisagawa ang kaukulang legislative at budgetary action at maging maayos ang pagpapatupad ng reprogrammed LDRRMFIP.


18/08/2026

Panalangin para sa Kaligtasan ng mga Mamamayan ng Mamburao at lahat ng bayan ng Occidental Mindoro

Aming Mahal na Panginoon,

Sa oras na ito ng matinding pag-ulan at pagbaha, buong puso kaming dumudulog sa Iyo. Panginoon, patuloy Mo pong ingatan at iligtas ang bawat mamamayan ng Occidental Mindoro.

Kalingain Mo po ang bawat pamilya, lalo na ang mga nasa mabababang lugar at mga komunidad na apektado ng baha. Ilayo Mo po sila sa anumang kapahamakan, pagguho ng lupa, rumaragasang tubig, at iba pang panganib.

Bigyan Mo po ng lakas, karunungan at tapang ang ating mga rescuers, barangay officials, DRRM personnel, volunteers, at lahat ng tumutulong sa ating mga kababayan. Gabayan Mo po sila sa bawat operasyon upang maging ligtas ang lahat.

Panginoon, hinihiling namin ang Iyong awa—pahupain Mo na po ang ulan, pababain ang tubig-baha, at ilayo sa kapahamakan ang buong lalawigan.

Bigyan Mo po kami ng kapanatagan sa gitna ng takot at pangamba. Nawa’y walang buhay na mawala at lahat ay makauwi nang ligtas sa kanilang mga mahal sa buhay.

Panginoon, hawakan Mo po ang Occidental Mindoro. Protektahan Mo po ang aming mga kababayan at iligtas Mo kami sa anumang kapahamakan.

Sa Iyo kami nagtitiwala.

Amen🙏

17/08/2026

IKALIMAMPU’T ANIM NA KARANIWANG PULONG

SANGGUNIANG BAYAN
MAMBURAO OKSIDENTAL MINDORO

17/08/2026
Monday session prep. Inaayos lang ang mga kailangan para bukas. ✅
26/07/2026

Monday session prep. Inaayos lang ang mga kailangan para bukas. ✅

Bilang Chairman ng Committee on Public Safety and Peace and Order, patuloy po nating sinusuportahan ang pagpapalakas ng ...
19/07/2026

Bilang Chairman ng Committee on Public Safety and Peace and Order, patuloy po nating sinusuportahan ang pagpapalakas ng kakayahan ng ating mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pamamagitan ng Refresher Training.

Sama-sama po nating itaguyod ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na Mamburao. 🛡️💙

Address

Mamburao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal Kap Mel Ramirez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share