06/12/2025
Dahil ang pagbibigay serbisyo publiko ay walang pinipiling Panahon.
Di lingid sa kaalaman ng lahat na ang isa sa mga kasalukuyan kinakaharap na problema ng bayan ay ang mga aksidente, kakulangan ng papeles at paglabag sa batas trapiko.
Kung kaya sa ikalawang-pagkakataon sa pangunguna at inisyatibo ng ating Mayor Atty. E-K Almero at ng Sangguniang Bayan ay isinagawa natin ang FREE Theoretical Driving Course (TDC) upang unti-unti ay mabigyan ng tamang kaalaman ang ating mga kababayan. Gayundin ay mabawasan ang di pagkakaunawaan at pagtatalo sa daan.
DISIPLINA ang susi para sa maayos, matiwasay, at payapang pagmamaneho sa daan. Ang LTO ay hindi natin kaaway bagkus isang katuwang tungo sa tamang pagsunod ng ating mga patakaran.
Para sa bayang Maipagmamalaki ng Bayan ng Mamburao Naman.
Drive safely and God Bless! 💚🤙🫡