Malvar MSWDOffice

Malvar MSWDOffice Social Services Assistance

Ginanap ang "Search for Natatanging NayTay 2026" noong Abril 22, 2026 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batang...
23/04/2026

Ginanap ang "Search for Natatanging NayTay 2026" noong Abril 22, 2026 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City kung saan nasungkit ni Gng. Basilisa L. Villapando ang ika-7 pwesto na may 25 kalahok. Isang patunay na ang pagiging NayTay ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay sa buhay.

NayTay—isang puso na kayang maging nanay at tatay nang sabay.
Hindi biro ang magpuno sa dalawang papel, pero araw-araw mo itong ginagawa nang may tapang, tiyaga, at walang kapantay na pagmamahal. Ikaw ang unang gumigising para siguraduhing maayos ang lahat, at huling nagpapahinga matapos unahin ang kapakanan ng pamilya. Sa bawat pagod na hindi naipapakita, sa bawat luha na tahimik mong pinupunasan, nandoon ang lakas na hinuhugot mo para lang maitaguyod ang mga mahal mo sa buhay.

Hindi man laging madali, pinipili mong maging matatag—nagiging sandalan sa oras ng pangangailangan, at nagbibigay ng lambing na kayang punan ang kakulangan ng mundo. Ikaw ang yakap na nagbibigay ginhawa at ang boses na nagbibigay gabay. Sa iyo, natutunan ang tunay na kahulugan ng sakripisyo at pagmamahal na walang hinihinging kapalit.

Saludo kami sa iyo, NayTay. Hindi mo man hinihingi ang pagkilala, pero karapat-dapat kang ipagdiwang araw-araw. Dahil sa iyo, buo ang tahanan—dahil ikaw mismo ang tahanan.

Saludo kami sa iyo, NayTay, ikaw ang tunay na Bayani.



Women's Month Celebration 2026 at Sports Complex Malvar, Batangas. Pasasalamat sa buong suporta ng Butihing Mayor HON. A...
24/03/2026

Women's Month Celebration 2026 at Sports Complex Malvar, Batangas. Pasasalamat sa buong suporta ng Butihing Mayor HON. ADMIRAL ARTEMIO M. ABU, (Ret) at sa pangunguna ng kanyang May-Bahay Mayora CARLOTA V. ABU gayundin sa mga Kapitan at Kapitana na nakiisa sa pagdaraos ng WOMEN'S MONTH CELEBRATION!


's OFFICE

Address

Brgy San Pioquinto, Batangas
Malvar
4233

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malvar MSWDOffice posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share