Mayor Admiral Art M. Abu

Mayor Admiral Art M. Abu Mayor of the Municipality of Malvar. Retired Admiral of the Philippine Coast Guard. Magsasaka. Makabayan. Malvareño.
(6)

05/06/2026

Dumalo sa Inauguration ng Balete Municipal Hall si Mayor Admiral Art Abu kasama sina ES Ralph Recto, Sen JV Ejercito, Batangas LMP President Leovi Morfe, mga Kongresista, Bokal at Alkalde ng mga bayan sa Lalawigan ng Batangas.

Naging makabuluhan ang pagtitipon dahil naging daan ito upang palakasin ang pagkakaisa ng mga nanunungkulan sa pamahalaan sa buong lalawigan!



05/06/2026

June 5, 2026

Nakibahagi si Mayor Admiral Art Abu sa Tree Planting Activity sa Hillcrest Subdivision na pinangunahan ng Japan To***co International ( JTI ) bilang pagdiriwang ng World Environment Day.

Maraming salamat sa JTI, MENRO-Malvar, LLDA, PG-ENRO, CENRO-Lipa, RHU-Malvar, sa mga opisyal ng Brgy San Fernando at Brgy Santiago; at sa lahat ng nakiisa para sa mas luntian at malinis na kapaligiran. 🌱



05/06/2026

Nakiisa si Mayor Admiral Artemio Abu sa Tree Planting Activity na ginanap sa Malvar Sports Complex (OVAL) sa pangunguna ng Standard Chartered Group Services, kasama ang MWCC at mga Binibining Malvar.

Maraming salamat po sa SCGS sa inyong suporta at pakikiisa sa pangangalaga ng ating kalikasan. Sama-sama po tayo para sa mas luntiang Malvar! 🌳



04/06/2026

Dumalo si Mayor Admiral Art Abu sa isinagawang pagpupulong kaugnay ng pagpapatupad ng Community-Based Monitoring System (CBMS), kasama ang mga PSA Statistical Specialists at mga Department Heads sa LGU-Malvar. Layunin nito na magkaroon ng tamang data base sa lahat ng aspeto ng pamayanan sa Bayan ng Malvar upang maging matibay na basehan sa bawat desisyon sa pamamahala sa ating bayan. “Every decision of the government must be bases on statistical data and it must be technology driven”, wika ni Mayor Admiral Abu.


04/06/2026

Inilunsad ang programang “TODA Rescue” sa Bayan ng Malvar sa pakikipag ugnayan ng LTO Tanauan District, PNP, MDRRMO at TMO. Layunin nito na palakasin ang pagpapasiguro ng Kaligtasan, Disaster Response at pagbibigay ng Wastong Kaalaman tungkol sa Road Safety.



03/06/2026

Dumalo si Mayor Admiral Art Abu sa pagbibigay ng parangal ng Batangas Forum sa mga Batangueña na nagsipagtapos sa PMA Class 2026.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa mga nagsidalo at sa mga kapuwa niya PMA graduates.

02/06/2026

Personal na nagtungo sa PCSO Headquarters si Mayor Admiral Art Abu, kasama si MHO Dra. Kierley Villanueva, upang tanggapin ang mga gamot na para sa ating mga kababayan—patunay ng tuloy-tuloy na malasakit at aksyon ng ating Pamahalaang Bayan para sa kalusugan ng bawat Malvareño.

Dahil sa magandang personal na ugnayan sa pamunuan ng PCSO at LGU Malvar ay nagkaroon din ng malaking ambag ang nasabing tanggapan para sa pangangailangang pangkalusugan ng isa nating kababayan.

Maraming salamat sa PCSO sa patuloy na suporta at malasakit sa ating mga mamamayan!




02/06/2026

Mula sa Tanggapan ng Punumbayan ng Malvar, Batangas:

Isa sa pangunahing layunin ng lokal na pamahalaan ng Malvar, Batangas na nakasaad sa 10-point agenda nito ay ang #2 Edukasyon Papahalagahan.

Ang Balik Eskwela Program for K-6 Learners na may nakalaang budyet na P24 milyon ay naglalayong mabigyan ng isang kumpletong uniporme at gamit pampaaralan ang higit-kumulang na 8,000 Malvareñong mag-aaral ng 21 pampublikong paaralan mula Kinder hanggang Anim na Baitang .

Alinsunod sa Ordinansa Blg. 006-12 Serye ng 2025 at 170-11 Serye ng 2026, itinatakda na maglaan ng pondo para sa programang Balik Eskwela at maibahagi ang mga sumusunod:

KINDERGARTEN:

School Uniform with patch
White Polo, Black Pants,
White Blouse, Navy Blue Skirt
Logo Patch

1pair of Black Shoes and White Socks

School Bag (Customized) with School Supplies:
Pencil Pouch (customized)
Umbrella (customized)
ID Lanyard (customized)
Writing Notebook (80 leaves) (4 pieces)
Big Crayons (8 colors)
Big Pencil (2 pieces)
Scissors for kids
Glue

GRADES 1 to 3:

School Uniform with patch
White Polo, Black Pants,
White Blouse, Navy Blue Skirt
Logo Patch

1pair of Black Shoes and White Socks

School Bags (Customized) with School Supplies:
Pencil Pouch (customized)
Umbrella (customized)
ID Lanyard (customized)
Writing Notebook (80 leaves)(4 pieces)
Pencil No.2 (3 pieces)
Eraser
Sharpener
Ruler


GRADES 4 to 6:

School Uniform with patch
White Polo, Black Pants,
White Blouse, Navy Blue Skirt
Logo Patch

1pair of Black Shoes and White Socks

School Bags (Customized) with School Supplies:
Pencil Pouch (customized)
Umbrella (customized)
ID Lanyard (customized)
Composition Notebook (80 leaves)(4 pieces)
Black Ballpen (3 pieces)
Correction Tape
Ruler


Bilang pondo ng bayan, ang pagkakasakatuparan ng nasabing programa ay dumaan ng Public Bidding noong Pebrero 24, 2026. Iginawad ang Notice of Award sa kwalipikadong supplier noong Marso 19, 2026.

Subalit, sa kinakaharap na Energy Crisis ay bahagyang bumagal ang supply chain. Kung kaya ang mga materyales na ginagamit para sa paggawa ng mga pampaaralang pananamit at gamit ay lubos na naapektuhan.

Ang lokal na pamahalaan ay taos pusong humihingi ng inyong pang-unawa hinggil sa pamamahagi ng mga nasabing gamit pampaaralan.

Mananatiling bukas ang aming tanggapan upang bigyan ng paglilinaw ang inyong mga katanungan at komento.

Para sa isang matatag na pamahalaan at maginhawang mamamayan tungo sa masagana at panatag na kinabukasan.

Maraming Salamat po.

Bago tumulak papunta sa PCSO Main Office sa Manila ay dumalo si Mayor Admiral Art Abu sa Brigada Eskwela ng Barangay Bul...
02/06/2026

Bago tumulak papunta sa PCSO Main Office sa Manila ay dumalo si Mayor Admiral Art Abu sa Brigada Eskwela ng Barangay Bulihan Elementary School. “Kailangan natin ibalanse ang mga engagement natin sa lokal at sa national upang maging maayos ang ating serbisyo sa mamamayang Malvareño”, wika ni Mayor Art Abu.



Maligayang Fiesta, Barangay San Isidro! 🎉Pagbati mula kay Mayor Admiral Art Abu at Sangguniang Bayan.
02/06/2026

Maligayang Fiesta, Barangay San Isidro! 🎉

Pagbati mula kay Mayor Admiral Art Abu at Sangguniang Bayan.

Address

Bulihan
Malvar
4233

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Admiral Art M. Abu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category