Municipal Government of Maluso

Municipal Government of Maluso Official page of the Local Government Unit of Maluso. Serbisyong may puso. Serbisyong Makatao. for a better Maluso.
(1)

napa-notaryo na ba 'yan sha? hindi magandang biro 'yan! Dapat mag file ka muna ng APCAS sa MCR, oo. HAHAHAH
02/06/2026

napa-notaryo na ba 'yan sha? hindi magandang biro 'yan! Dapat mag file ka muna ng APCAS sa MCR, oo. HAHAHAH


๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ง๐—œ | ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ง๐—ข๐—  ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆInaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ng Walang Gutom...
01/06/2026

๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ง๐—œ | ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ง๐—ข๐—  ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐—•๐—˜๐—ก๐—˜๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆ

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng DWSD na dumalo sa gaganaping NSRP Assembly sa June 3โ€“4, 2026 sa Maluso Gymnasium ayon sa itinakdang iskedyul ng kanilang barangay.

Tiyaking dala ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso.

Para sa mga Senior Citizen at PWD beneficiaries, maaari kayong magpadala ng kinatawan na may edad 18 hanggang 50 taong gulang kasama ang mga kinakailangang dokumento.

Mangyaring basahin ang mga detalye sa taas para sa iskedyul at iba pang mahahalagang impormasyon.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon.


๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ๐—ฆ ๐——๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—–๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ฌ ๐—Ÿ๐—”๐—จ๐—ก๐—–๐—›๐—˜๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—œ๐—ก ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ขMatagumpay na isinagawa ng Basilan Schools ...
01/06/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ๐—ฆ ๐——๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—จ๐—–๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ฌ ๐—Ÿ๐—”๐—จ๐—ก๐—–๐—›๐—˜๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—œ๐—ก ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ข

Matagumpay na isinagawa ng Basilan Schools Division ang Kick-Off ng Brigada Eskwela 2026 sa Maluso Gymnasium, na dinaluhan ng mga opisyal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), mga g**o, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders and line agencies.

Layunin ng Brigada Eskwela na palakasin ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan ng komunidad upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2026โ€“2027.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba't ibang sektor, muling ipinakita ng programa ang kahalagahan ng pakikiisa ng komunidad sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon at paglikha ng mas maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Patuloy namang hinihikayat ng MBHTE ang publiko na makibahagi sa mga aktibidad ng Brigada Eskwela bilang suporta sa paghahanda ng mga paaralan at sa kapakanan ng mga mag-aaral sa Maluso at buong lalawigan ng Basilan.


๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐—  ๐—–๐—›๐—œ๐—˜๐—™ ๐— ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ, ๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—š๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—˜๐—”๐—–๐—˜ ๐—”๐—ก๐—— ๐—™๐—ข๐—ข๐—— ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ฌNakipagpulong si Bangsamoro ...
01/06/2026

๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐—  ๐—–๐—›๐—œ๐—˜๐—™ ๐— ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ, ๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—š๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—˜๐—”๐—–๐—˜ ๐—”๐—ก๐—— ๐—™๐—ข๐—ข๐—— ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ฌ

Nakipagpulong si Bangsamoro Chief Minister Abdulraof A. Macacua kina Basilan Vice Governor Jim Salliman at Maluso Mayor Kaiser Hataman upang talakayin ang mga pangunahing programa at inisyatiba para sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan.

Sentro ng kanilang talakayan ang pagpapatibay ng mga hakbang para sa kapayapaan at seguridad, gayundin ang pagpapaigting ng mga programa sa food security upang matiyak ang sapat at sustenableng suplay ng pagkain para sa mga mamamayan ng Basilan.

Tinalakay rin ng mga opisyal ang iba pang mahahalagang usapin na may layuning mapabuti ang kabuhayan ng mga residente at mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng Bangsamoro Government at mga lokal na pamahalaan.

Ang pagpupulong ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bangsamoro Government at ng mga lokal na opisyal na isulong ang inklusibong kaunlaran, matatag na kapayapaan, at seguridad para sa lalawigan at sa buong rehiyon.


๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ ๐—˜๐—œ๐——โ€™๐—Ÿ ๐—”๐——๐—›๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ/๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿฐ๐Ÿณ ๐—›๐—˜๐—Ÿ๐—— ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ข ๐—ง๐—ข๐—ช๐—ก ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—ŸNakiisa ang mga mamamayan ng Maluso sa isinagawang Congregational P...
27/05/2026

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ ๐—˜๐—œ๐——โ€™๐—Ÿ ๐—”๐——๐—›๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ/๐Ÿญ๐Ÿฐ๐Ÿฐ๐Ÿณ ๐—›๐—˜๐—Ÿ๐—— ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ข ๐—ง๐—ข๐—ช๐—ก ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ

Nakiisa ang mga mamamayan ng Maluso sa isinagawang Congregational Prayer para sa Eidโ€™l Adha 2026/1447 na ginanap sa grounds ng Maluso Town Hall bilang bahagi ng pagdiriwang ng isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam.

Nagtipon-tipon ang mga Muslim faithful mula sa ibaโ€™t ibang barangay upang sama-samang isagawa ang Salatuโ€™l Eid bilang pagpapakita ng pananampalataya, pagkakaisa, at pasasalamat sa Allah SWT.

Ang nasabing aktibidad ay naging simbolo ng matibay na pagkakaisa at pananampalataya ng mamamayan ng Maluso bilang isang komunidad na patuloy na nagsusulong ng kapayapaan at pagkakapatiran.


๐—˜๐—œ๐——'๐—Ÿ ๐—”๐——๐—›๐—” ๐— ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—”๐—š๐—˜Assalฤmu Alaikum wa Rahmatullฤhi wa Barakฤtuhu.Sa pagdiriwang ng banal na Eidโ€™l Adha , taus-puso kong ...
26/05/2026

๐—˜๐—œ๐——'๐—Ÿ ๐—”๐——๐—›๐—” ๐— ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—”๐—š๐—˜

Assalฤmu Alaikum wa Rahmatullฤhi wa Barakฤtuhu.

Sa pagdiriwang ng banal na Eidโ€™l Adha , taus-puso kong binabati ang bawat pamilyang Muslim sa ating bayan at sa buong Bangsamoro ng Eid Mubarak.

Ang Eidโ€™l Adha ay paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at ganap na pagtitiwala sa Allah SWT. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang higit nating pairalin ang malasakit, pagpapatawad, at pagkakaisa sa ating komunidad.

Sa gitna ng mga hamon ng ating panahon, nawaโ€™y manatili tayong nagkakaisa sa pagsusulong ng kapayapaan, maayos na pamamahala, at serbisyong tunay na para sa mamamayan. Bilang , patuloy ang aking paninindigan na suportahan ang mga programang magdadala ng mas maayos at mas makataong kinabukasan para sa lahat.

Nawaโ€™y tanggapin ng Allah SWT ang ating mga panalangin, sakripisyo, at mabubuting gawa, at patuloy Niya tayong gabayan tungo sa isang mas mapayapa at mas maunlad na Maluso.

Eid Mubฤrak sa ating lahat.

Taqabbalallฤhu minnฤ wa minkum แนฃฤliแธฅal-aสฟmฤl.May this blessed Eidโ€™l Adha bring peace, happiness, and countless blessings...
26/05/2026

Taqabbalallฤhu minnฤ wa minkum แนฃฤliแธฅal-aสฟmฤl.

May this blessed Eidโ€™l Adha bring peace, happiness, and countless blessings to you and your family. Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ng Allah SWT sa landas ng pananampalataya, pagkakaisa, at kabutihan.

Eid Mubarak sa ating lahat!


Address

Town Hall, Camanggan, Townsite
Maluso
7303

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Maluso posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share