17/05/2026
Ngayong International AIDS Candlelight Memorial 2026, sinisindihan namin ang bawat kandila para sa 'yo, para sa atin, at para sa buong komunidad. Ang liwanag na ito ay paalala na hindi ka nag-iisa—at hinding-hindi namin hahayaang mapundi ang pag-asa at pagmamahal na para sa iyo.
Ang mga katagang "Remember. Act. Advance." ay di lang basta tema. Ito ay ang aming pangako sayo.
REMEMBER – Buong-puso naming binibigyang-pugay ang kwento, laban, at alaala ng mga nauna sa atin. Ang kanilang tapang ang nagpapatatag sa atin ngayon, at tinitiyak naming hinding-hindi sila malilimutan.
ACT – Dahil ang tunay na kalinga ay nakikita sa gawa. Patuloy kaming lalaban para pabagsakin ang diskriminasyon at stigma, habang sinisiguro na may ligtas, compassionate, at stigma-free sanctuary kang matatakbuhan para sa libreng testing, gamutan, at gabay.
ADVANCE – Kasama ka, sabay-sabay tayong susulong sa isang bukas na walang takot. Sa pamamagitan ng tamang edukasyon at tuluy-tuloy na suporta, abot-kamay natin ang isang magandang kinabukasan na malusog at malaya.
Sama-sama nating panatilihing buhay ang liwanag. Palaging tandaan: Walang "huli na" at walang "mag-isa" sa laban na ito. Tandaan, may ligtas at mapagkalingang silungan na laging bukas at yayakap sa 'yo.
Usbong ng Bulakenyo Incorporated Republika Community Center Kalayaan CC