09/05/2026
BAYANIHAN SA IFUGAO: PNP AT KOMUNIDAD NAGKATUWANG SA RIPRAP PROJECT
Isang makabuluhang pagpapakita ng bayanihan ang naganap sa Barangay Kihdog, Baang, Hungduan, Ifugao noong umaga ng Mayo 8, 2026, kung saan nagkaisa ang kapulisan at mga residente sa pagsasagawa ng riprap project na naglalayong maprotektahan ang lupa laban sa pagguho at mapanatili ang katatagan ng paligid ng isang residente sa lugar.
Sa ilalim ng pamumuno ni Philippine National Police Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., aktibong nakibahagi ang Regional Public Safety Battalion Team ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15), 1501st Maneuver Company, at 1st Integrated Provincial Mobile Force Company (IPMFC), katuwang ang mga opisyal ng barangay at mga boluntaryo mula sa komunidad.
Sa sama-samang pagkilos, inihakot at inihanda ang mga bato na gagamitin para sa riprap structure na mahalaga upang maiwasan ang pagguho ng lupa at mapalakas ang seguridad ng lugar. Sa pamamagitan ng gawaing ito, mas lalo pang tumibay ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan sa pamamagitan ng aktibong pagtutulungan sa komunidad.
Ang ganitong inisyatiba ay kaakibat ng PNP Focused Agenda na patuloy na nagsusulong ng mas pinaigting na Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support, na nakatuon sa mas malapit na pakikipag-ugnayan sa komunidad at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa seguridad at kaayusan.
โThis kind of activity shows that the police are not only law enforcers but also partners of the community. Ang kapulisan ay katuwang ng mamamayan sa pagbuo ng mas ligtas na pamayanan,โ ayon kay Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
โUnity between the police and the community builds stronger trust and cooperation. Sa pagkakaisa ng kapulisan at komunidad, mas nagiging matatag ang ating lipunan,โ dagdag niya.
Sa patuloy na pagsasagawa ng mga ganitong inisyatiba, higit na pinagtitibay ng Philippine National Police ang kanilang tungkulin sa paglilingkod at pakikipag-ugnayan sa komunidad, na naglalayong itaguyod ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa antas ng barangay, alinsunod sa adhikain nitong โBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.โ
(PNP-PIO)