04/09/2026
๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ฒ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ, ๐๐๐ฉ๐๐ฒ๐๐ฉ๐, ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง๐๐ง
Setyembre 3, 2026 | Bilang bahagi ng patuloy na layunin ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, sa pagsusulong ng mas ligtas, mapayapa, at handang mga pamayanan, isinagawa ngayong araw ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga Barangay-Based Institutions para sa mga Retooled Community Support Program (RCSP) Target Barangays.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng tatlungpuโt limang (35) barangay mula sa Bayan ng Angat, DRT, Norzagaray, Pandi, San Ildefonso, Paombong at San Miguel. Ang mga kalahok ay nagkaroon ng pagsasanay sa mga papel at tungkulin na ginagampanan ng mga opisyal ng barangay ukol sa mga mahahalagang usapin kaugnay ng pagtugon sa ilegal na droga, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at disaster preparedness and resilience.
Layunin ng inisyatibong ito na higit pang mapalawak ang kaalaman, mapahusay ang kakayahan, at mapatatag ang papel ng mga institusyon sa barangay bilang katuwang ng pamahalaan sa pagtugon sa ibaโt ibang hamon na kinakaharap ng komunidad.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga mekanismo para sa peace and order, pagtugon sa usapin ng ilegal na droga, at paghahanda sa mga sakuna, inaasahang ang mas mabilis, maayos, at epektibong paghatid ng dekalidad na serbisyo ng mga Barangay-Based Institutions (BBIs) sa pagtiyak ng kaligtasan at pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.