BULSU SG CSSP Local Student Council

BULSU SG CSSP Local Student Council Welcome to the official page of the College of Social Sciences and Philosophy Local Student Council, Bulacan State University Student Government.

Amid the ongoing weather, heavy academic workloads and the pressure of midterm exam season, the Council stands with a ca...
06/09/2026

Amid the ongoing weather, heavy academic workloads and the pressure of midterm exam season, the Council stands with a call for safety and welfare of every Rajah. With classes continuing despite the challenges that many are facing, KAPPihan sa Mendoza is here to make your days a little lighter.

‎From September 7–10, 2026, 9:00 AM–4:00 PM, in front of the CSSP LSC Office, APP 210B, Mendoza Hall, we have prepared a free pantry where you can take what you need, leave a message on our Manifestation Wall, or share what you can through our Baryanihan Donation Box. We also accept in-kind and monetary donations.

Sometimes, a small cup of comfort is all it takes to remind us that we are not alone.

TaRajah na sa KAPPihan!

OPISYAL NA PAHAYAG NG CSSP LOCAL STUDENT COUNCILHINDI “SPECIAL CONSIDERATION” ANG KALIGTASAN NG BULSUAN.Mariing tinututu...
06/09/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG CSSP LOCAL STUDENT COUNCIL

HINDI “SPECIAL CONSIDERATION” ANG KALIGTASAN NG BULSUAN.

Mariing tinututulan ng CSSP Local Student Council ang pagpapatuloy ng on-site midterm examinations sa gitna ng patuloy na pagbaha at epekto ng Habagat. Hindi sapat ang special examination kung ang mga estudyante ay inilalagay pa rin sa kalagayang kailangang isugal ang sariling kaligtasan upang hindi maiwan.

Hindi dapat maging sagot sa kalamidad ang pagsasabing “may special exam naman.” Hindi konsiderasyon ang pagpapaubaya sa estudyante na pumili kung lulubog sa baha o maiiwan sa akademikong proseso. Sa harap ng ganitong kalagayan, ang dapat ipagpaliban ay hindi ang kapakanan ng estudyante, kundi ang pagsusulit at kung ano man ang maaari namang puwede naman habulin at mapalitan. Suspendihin ang klase. Ipagpaliban ang midterms.

Habang may BulSUang stranded, nasa baha, at hindi ligtas bumiyahe, hindi pa tapos ang kalamidad—kaya hindi dapat ituring na tapos na ang konsiderasyon. Walang pagsusulit na mas mahalaga kaysa buhay. Walang grado ang dapat kapalit ng kaligtasan.

BulSU Admin, Hear Us Out!

Kumusta ka, Rajah?Sa gitna ng malalakas na hangin at pag-ulan dulot ng  , hindi namin hahayaang hindi ka kinukumusta.Mag...
05/09/2026

Kumusta ka, Rajah?

Sa gitna ng malalakas na hangin at pag-ulan dulot ng , hindi namin hahayaang hindi ka kinukumusta.

Mag-react sa post na ito kung ano man ang iyong kalagayan ngayon:

👍 - Walang kuryente
❤️ - Ligtas at walang nasaktan
🤗 - Nakapag-evacuate na
😢 - Nakararanas ng matinding pagbaha
😡 - Nasira at napinsala na ang bahay at kagamitan

Hangarin namin ang matulungan ang bawat Rajah sa pamamagitan ng pagtukoy ng agarang atensyon at maisulong ang nararapat na suporta.

A little help goes a long way! 💚In ​light of the recent effects of the ongoing calamity, BSP-2B is organizing Project SA...
04/09/2026

A little help goes a long way! 💚

In ​light of the recent effects of the ongoing calamity, BSP-2B is organizing Project SAUP: A Donation Drive to extend support to evacuated families in San Matias Elementary School, Santo Tomas, Pampanga.

​We are accepting in-kind donations:
- ​Canned goods
- ​Rice
- ​Instant noodles

​📍 Drop-off Point: CSSP Local Student Council Donation Drive Box

Contacts for In-Kind Donations:
- Luigie Perez
- Jasmine Nicole Aranas

​Monetary Donations:
Every contribution, no matter the size, provides crucial aid to affected families.
​GCash: 09618594804
​Account Name: Veronica Jane Lagapa

​Thank you for your generosity and support!

𝗧𝗛𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗜𝗟𝗚𝗥𝗜𝗠 𝗜𝗠𝗔𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗙𝗔𝗧𝗜𝗠𝗔Rejoice, People of God!  As we celebrate this month the bi...
03/09/2026

𝗧𝗛𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗜𝗟𝗚𝗥𝗜𝗠 𝗜𝗠𝗔𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗙𝗔𝗧𝗜𝗠𝗔

Rejoice, People of God!

As we celebrate this month the birth of our Mother, we proudly announce that the National Pilgrim Image of Our Lady of Fatima will visit Bulacan State University on 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟱-𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

As we celebrate the Month of the Holy Rosary this October, let us come together to offer our devotion to the Blessed Virgin Mary, who is the intercessor of grace and mercy from her Son.

From her home at the National Shrine of Our Lady of Fatima (Valenzuela City) to Bulacan State University, led by Ex Corde, let us welcome her with joy and anticipation.

Viva La Virgen! Viva Fatima!


DALUMAT 2026 | MEKANIKS AT PAGSUSUMITE NG ENTRYNarito na ang mekaniks at mga alituntunin para sa Dalumat 2026. Mangyarin...
03/09/2026

DALUMAT 2026 | MEKANIKS AT PAGSUSUMITE NG ENTRY

Narito na ang mekaniks at mga alituntunin para sa Dalumat 2026. Mangyaring basahin at sundin nang maigi ang lahat ng itinakdang panuntunan upang matiyak ang maayos na partisipasyon at maiwasan ang anumang dahilan para sa diskwalipikasyon. Ang pagsunod sa mekaniks ay pananagutan ng bawat kalahok.

Hinihikayat ang bawat isa na makilahok sa Dalumat 2026, hindi lamang upang maipamalas ang inyong husay at pagkamalikhain, kundi upang magkaroon ng espasyo para sa pagpapahayag ng mga ideya, pananaw, at tinig ng kabataan. Nawa ay magsilbi itong pagkakataon upang lumikha, magbahagi, at makibahagi sa isang makabuluhang talakayan.

Bukas na ang pagsusumite ng mga entry ngayong ika-3 ng Setyembre 2026 at magtatapos sa ika-20 ng Setyembre 2026.

Submission Form:
https://tinyurl.com/Dalumat-Entry-Submission-Form
https://tinyurl.com/Dalumat-Entry-Submission-Form
https://tinyurl.com/Dalumat-Entry-Submission-Form

Para sa mga katanungan at paglilinaw, mangyaring magpadala ng mensahe kay Psychology Board Member Josh Ricardo, Project Head, o sa sinumang opisyal ng Lokal na Konseho.

Ang larawan ay hindi basta larawan. Ito ay may buhay, may saysay, may kwento at may mensahe. Dahil sa mga pagkakataong h...
03/09/2026

Ang larawan ay hindi basta larawan. Ito ay may buhay, may saysay, may kwento at may mensahe. Dahil sa mga pagkakataong hindi makapagsalita, may larawang nais makipag-usap.

Sa pagbubukas ng Dalumat 2026, layunin nitong mamulat ang bawat mga mata, pukawin ang kamalayan, at palalimin ang kaisipan ng bawat tinig na bumubuo ng ating lipunan. Ito ay isang plataporma upang makapagpahayag ng mga usaping kinakailangang pagtuunan ng pansin.

Inaanyayahan namin ang bawat isa upang ibahagi ang inyong mapanlikha at malalim na kaalaman at ang inyong nakikita para sa mga nakapikit ang kamalayan at hindi pa nakakakita. Kaya sa pagitan ng inyong kaalamang hindi pa alam ng iba, may lunan para sa pagnilay, pagsiyasat, at higit sa lahat... pagdalumat.

Ang mga susunod na detalye kaugnay ng patimpalak ay ibababa rin mamaya.

MONETARY DONATIONS TRANSPARENCY REPORTAs of now, September 1, 2026, we have accumulated a total of Php 998.21 monetary d...
01/09/2026

MONETARY DONATIONS TRANSPARENCY REPORT

As of now, September 1, 2026, we have accumulated a total of Php 998.21 monetary donations, which will be used to provide hot meals for calamity-affected communities. We are deeply grateful to everyone who has extended their generosity and support to this initiative. Every contribution, no matter the amount, brings us one step closer to providing immediate assistance and comfort to those in need.

For monetary donations, you may send it through:
GCash: 09693966069 - Louella J. D.
BPI: 4719466139 - Lanze D. S. F.

Kindly input "Community Kitchen" upon sending.

We remain committed to maintaining transparency throughout the donation drive and will continue to provide updates on the collection and utilization of all monetary donations.

Any support, regardless of the amount, can truly help provide essential relief to families and individuals affected by the current situation. Let us come together as a community to extend the spirit of bayanihan.

May mga bagay na kailangang unawain. May mga sitwasyong kailangang suriin. At may mga larawang hindi lamang basta nakiki...
01/09/2026

May mga bagay na kailangang unawain. May mga sitwasyong kailangang suriin. At may mga larawang hindi lamang basta nakikita.

Sa likod ng bawat larawan, may kuwentong naghihintay na mabasa—mga karapatang dapat kilalanin, mga kaalamang dapat maunawaan, at mga realidad na hindi dapat ipagsawalang-bahala.

Kung ang isang larawan ay nagsasalita, ano ang sasabihin nito?

09.03.26

31/08/2026

Palawakin ang kaalaman, wikang Filipino bigyang-puwang!

Reel 2: Ang Bantang Pagtanggal sa mga General Education Subjects sa College Curriculum

Itinatakda ng batas na ang mga ahensya ng gobyerno ay dapat nangunguna sa pagpapayaman at pagpapalawig sa wikang Filipino, ngunit naipagyayaman pa nga ba ang wikang Filipino kung ang mga GE subjects tulad ng mga Filipino subjects ay tatanggalin na sa college curriculum?

Ngayong buwan ng wika, ang ating paglaban ay hindi lamang nalilimitahan sa pagpapayaman sa wika. Tangan natin ang paglaban sa maka-Pilipinong academic policies at panawagan para sa pagpapanatili sa mg GE subjects gaya ng Ethics, Filipino subjects, atbp — na pangunahing subjects na nagpapakilala sa tunay na diwa ng pagiging makatao at pagiging maka-Pilipino.

GE SUBJECTS SA KOLEHIYO PANATILIHIN AT PALAKASIN!




Address

Room APP 210B, Mendoza Hall, Bulacan State University
Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BULSU SG CSSP Local Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share