05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ค๐-๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐
Hunyo 5, 2026 โ Isinagawa ang Ika-11 Regular na Pagpupulong ng Sangguniang Barangay ng Dakila na pinangunahan ni IGG. Vener C. Dela Cruz, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng konseho, para sa patuloy na pagtalakay at pag-aksyon sa mga mahahalagang usapin ng barangay.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay at naipasa ang mga sumusunod:
MGA NAIPASANG KAPASIYAHAN / RESOLUSYON
โข Kapasiyahang Pambarangay Blg. 25-2026
Isang Kapasiyahan na Nagtatakda ng Regular na Iskedyul ng Paggamit ng Barangay Covered Court tuwing araw ng Biyernes, mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-11:00 ng umaga, para sa mga mag-aaral ng Dakila Child Development Center.
MGA BAGONG USAPIN (NEW BUSINESS)
โข Pagsusukat ng mga daang-tubig bilang bahagi ng pagtukoy sa mga kinakailangang hakbang upang mapabuti ang daloy ng tubig sa barangay;
โข Patuloy na paglilinis ng mga drainage upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran;
โข Paghahanda para sa Libreng Gupit na gaganapin sa ika-6 ng Hunyo 2026 para sa mga mag-aaral at residente ng barangay;
โข Posibleng pagsasagawa ng Medical Mission para sa mga mamamayan ng Barangay Dakila;
โข Pagdalo ng mga opisyal ng barangay sa awarding ceremony ng BEST Barangay sa ika-8 ng Hunyo 2026.
MGA ULAT NG MGA KOMITE
Nagkaroon din ng pag-uulat ang bawat kasangguni ukol sa mga programa, proyekto, aktibidad, at iba pang usaping may kaugnayan sa kanilang mga komite bilang bahagi ng pagpapaigting ng koordinasyon at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.
Kasabay nito, tinalakay rin ang mga natanggap na komunikasyon at iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad ng barangay.
Sa patuloy na pagkakaisa at responsableng pamamahala, muling pinagtitibay ng Sangguniang Barangay ng Dakila ang kanilang layunin para sa isang mas maayos, disiplinado, at progresibong pamayanan.