Bulacan Police Provincial Office

Bulacan Police Provincial Office This is the Official page of the Bulacan Police Provincial Office

https://www.facebook.com/share/p/14pZcQZsqmj/?mibextid=wwXIfr
05/09/2026

https://www.facebook.com/share/p/14pZcQZsqmj/?mibextid=wwXIfr

Tambay, ninakaw ang motorsiklo ng bayaw sa Bulacan

Angelo Siapco

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan -- Inaresto ang isang lalaking walang trabaho matapos nitong nakawin ang motorsiklo ng kanyang bayaw sa bayan ng San Rafael noong Biyernes (Setyembre 4).

Kinilala ni Lt. Col. Lawrence Gerald Bathan, hepe ng pulisya sa San Rafael, ang suspek na si "Arnie" at ang biktima na si "Johnny"; pareho silang nakatira sa iisang bahay sa Barangay Salapungan sa nasabing bayan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ninakaw ng suspek—na umano'y labis na nalulong sa sugal at ilegal na droga—ang motorsiklo ng biktima (isang itim na Honda TMX 125 na may plakang 544WFJ) bandang alas-1:35 ng madaling-araw mula sa garahe ng kanilang bahay.

Iniulat ng biktima sa lokal na pulisya ang pagkawala ng kanyang motorsiklo.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pag-aresto sa suspek at pagbawi sa ninakaw na motorsiklo sa tabi ng sabungan sa Barangay San Pedro, bayan ng Bustos, bandang alas-5:15 ng hapon ng araw ding iyon.

Lumabas sa karagdagang imbestigasyon na plano ng suspek na ibenta ang motorsiklo upang pondohan ang kanyang bisyo sa pagsusugal at paggamit ng ilegal na droga. Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong paglabag sa R.A. 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 at kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng lokal na himpilan ng pulisya.

05/09/2026

Atm po: PULIS @ UR SERBIS, Sept. 5, 2026 Episode. 🇵🇭💙❤️⭐🎬 Kindly Like, Tag, Share & Comment po, Ma'ams/Sirs pls. 👋📢👋
-------------------------------------------
https://www.facebook.com/share/v/1KhpK91u4e/

Mamaya na po: PULIS @ UR SERBIS, September 5, 2026 Episode. 🕖 7:00 to 8:00 PM sa UNTV & the official Fb page ng PNP. 🇵🇭💙...
05/09/2026

Mamaya na po: PULIS @ UR SERBIS, September 5, 2026 Episode. 🕖 7:00 to 8:00 PM sa UNTV & the official Fb page ng PNP. 🇵🇭💙❤️✨🎬

Pls. don't forget 🕖 po, Ma'ams/Sirs pls. 👋📢👋
-------------------------------------------
Para sa longest running TV program po ng PNP, ang 3-time Anak TV-seal Awardee, Icons of Change Awardee for 2025, Maharlikang Filipino 2025 Awardee, Laguna Excellence 2025 Awardee & The Diamond Excellence Awards 2026 , "PULIS @ UR SERBIS", telecast po ngayong araw, SABADO, SEPTEMBER 5, 2026, 7:00 to 8:00 PM sharp sa UNTV News and Rescue at sa official Fb page ng PNP.

Hosted by PCOL VERONICA P PEÑALOSA and PLTCOL ALLAN A DE LEON.

Maraming salamat po sa inyong panunood sa 14 taon! At sa patuloy na matataas na views, reacts and social media engagements sa halos bawat episode na aming pinalalabas tuwing Sabado. Maraming Maraming Salamat po sa inyong lahat!

LIKE, TAG, COMMENT & SHARE po sana tayo muli mga Kasangbahay sa PCADG Tagapag-Ugnay para sa mga update.












BULACAN PPO, ARESTADO LAHAT NG TOP 10 PROVINCIAL MWP PARA SA SETYEMBRE 2026 SA LOOB NG APAT NA ARAW KASAMA ANG TOP 5 AT ...
05/09/2026

BULACAN PPO, ARESTADO LAHAT NG TOP 10 PROVINCIAL MWP PARA SA SETYEMBRE 2026 SA LOOB NG APAT NA ARAW KASAMA ANG TOP 5 AT 6 REGIONAL MWP

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan --- Matagumpay na nakapagtala ng panibagong malaking accomplishment ang Bulacan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director, matapos maaresto ang lahat ng Top 10 Provincial Most Wanted Persons para sa buwan ng Setyembre 2026 sa loob lamang ng apat na araw kasama ang Top 5 at Top 6 Regional MWP, kasunod ng pinaigting na manhunt operations sa iba’t ibang bahagi sa lalawigan ng Bulacan.

Nakamit ang nasabing accomplishment sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga operating units, intelligence personnel, tracker teams, cyber patrollers, at investigators ng Bulacan PPO na nagsagawa ng mahigpit na koordinasyon upang matukoy, matunton, at maaresto ang mga wanted na indibidwal. Sa pamamagitan ng intelligence-driven policing, mas pinaigting na surveillance, at maayos na operational planning, naging mabilis at epektibo ang kampanya ng kapulisan laban sa mga nagtatago at tumatakas sa batas, na nagresulta sa agarang pagkumpleto sa Top 10 Most Wanted Persons list para sa buwan ng Setyembre kasama ang Top 5 at Top 6 Regional MWP.

Ang pagkakaaresto sa lahat ng Top 10 Provincial Most Wanted Persons sa loob lamang ng apat na araw kasama ang Top 5 at Top 6 Regional MWP ay nagpapakita ng kahusayan sa operasyon, matibay na koordinasyon ng bawat yunit, at walang patid na dedikasyon ng Bulacan PPO upang matiyak na ang mga indibidwal na nahaharap sa mga kasong kriminal ay madadala sa harap ng korte at mananagot alinsunod sa batas. Ipinapakita rin nito ang pagiging epektibo ng intelligence-led policing at ang dedikasyon ng mga pulis sa pagsasagawa ng tuloy-tuloy at pinaigting na manhunt operations.

Pinuri ni PCOL JAY B BAYBAYAN ang dedikasyon at propesyonalismo ng lahat ng police personnel na naging bahagi ng mga operasyon. Binigyang-diin niya na ang nasabing accomplishment ay bunga ng matibay na pagtutulungan, disiplina, at kahandaan sa operasyon ng bawat yunit ng Bulacan Police Provincial Office.

Patuloy na nakatuon ang Bulacan Police Provincial Office sa pagpapalakas ng mga operasyon sa pagpapatupad ng batas, pagpapaigting ng kampanya laban sa mga wanted person, at pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng mga Bulakenyo. Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN JESS B MENDEZ, Regional Director, Police Regional Office 3, at bilang suporta sa PNP Focused Agenda ni Chief, PNP PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., patuloy na magsasagawa ang Bulacan PPO ng maagap at intelligence-led police operations upang maisulong ang isang mas ligtas, mapayapa, at maayos na Bulacan para sa lahat.

05/09/2026

TALAKAYAN NGAYON (September 03, 2026) kasama sina Perry Pangan, Boy Santiago at Albert Lacanlale. Keni Naka! 🎧

SUSPEK SA CARNAPPING ARESTADO NG SAN RAFAEL PNP, MOTORSIKLONG NINAKAW NABAWICamp Gen Alejo S Santos, Malolos City, Bulac...
05/09/2026

SUSPEK SA CARNAPPING ARESTADO NG SAN RAFAEL PNP, MOTORSIKLONG NINAKAW NABAWI

Camp Gen Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Arestado ang isang lalaki matapos umanong nakawin ang motorsiklo ng kanyang bayaw sa Brgy. Salapungan, San Rafael, Bulacan, madaling araw nitong September 4, 2026.

Batay sa ulat ni PLTCOL LAWRENCE GERALD A BATHAN, Hepe ng San Rafael MPS, ang suspek ay kinilala na isang 36 taong gulang na lalaki, walang trabaho at residente ng Brgy. Salapungan, San Rafael, Bulacan habang kinilala naman ang biktima na isang 36 taong gulang na lalaki, bayaw ng suspek, at magkasamang nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa imbistigasyon, dakong 1:35 ng madaling araw, nang kunin umano ng suspek ang black HONDA TMX 125 ALPHA na may plate number 544WFJ, habang ito ay nakaparada sa loob ng kanilang garahe. Lumabas sa imbestigasyon na planong ibenta ng suspek ang motorsiklo upang tustusan umano ang kanyang pagsusugal at paggamit ng ilegal na droga.

Matapos i-report sa himpilan dakong 2:00 PM, agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga Intelligence Operatives ng San Rafael MPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakarekober sa ninakaw na motorsiklo dakong 5:15 PM sa tabi ng isang cockpit arena sa Brgy. San Pedro, Bustos, Bulacan.

Dinala sa himpilan ang suspek kasama ang nakuhang motorsiklo para sa kaukulang dokumentasyon. Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 para sa pagsasampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City, Bulacan.

Patuloy na pinaigting ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director, ang mga operasyon laban sa carnapping at iba pang krimen upang maprotektahan ang ari-arian at kaligtasan ng mga Bulakenyo.

2 SUSPEK ARESTADO NG MARIALO PNP SA OPLAN GALUGAD; BARIL AT SHABU NASAMSAMCamp Gen Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan...
05/09/2026

2 SUSPEK ARESTADO NG MARIALO PNP SA OPLAN GALUGAD; BARIL AT SHABU NASAMSAM

Camp Gen Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Arestado ang dalawang indibidwal matapos makuhanan ng baril at hinihinalang shabu sa isinagawang Oplan Galugad ng mga tauhan ng Marilao MPS sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan, dakong 11:45 PM noong September 4, 2026.

Ayon sa ulat ni PLTCOL EDWIN M LACOSTALES, Hepe ng Marilao MPS, kinilala ang mga naarestong suspek na isang 41 taong gulang, construction worker, at isang 27 taong gulang na babae, kapwa residente ng Northville 4 Luma, Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan.

Sa isinagawang operasyon, nahuli sa aktong pag-iingat ng lalaking suspek ang isang improvised pen gun na may isang bala ng 9mm cartridge at isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Samantala, nakumpiska naman sa babaing suspek ang isang plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu.

Kabuuang 0.23 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang halaga na humigit-kumulang Php 1,564.00, ang nakumpiska sa operasyon. Dinala ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya sa Marilao MPS para sa kaukulang dokumentasyon at turnover sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa scientific examination.

Inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Law on Fi****ms and Am******on Regulation Act at Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa ilegal na droga at ilegal na pagmamay-ari ng baril. Ang mga ganitong operasyon ay patunay ng ating patuloy na pagbabantay at agarang pagtugon sa anumang banta sa seguridad ng ating mga komunidad. Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na patuloy na makipagtulungan at agad na ireport sa kapulisan ang anumang kahina-hinalang gawain. Makakaasa kayo na ang Bulacan PPO ay mananatiling nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat Bulakenyo.” — PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director, Bulacan Police Provincial Office.

BULACAN TOP 5 PROVINCIAL AT TOP 1 PLARIDEL MUNICIPAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA ANTIPOLO CITYCamp Gen Alejo S Santo...
05/09/2026

BULACAN TOP 5 PROVINCIAL AT TOP 1 PLARIDEL MUNICIPAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA ANTIPOLO CITY

Camp Gen Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Arestado ang isang wanted person na kabilang sa Top 5 Most Wanted Person (Provincial Level) at Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Plaridel (Municipal Level), matapos isilbi ng mga tauhan ng Plaridel Municipal Police Station ang Warrant of Arrest sa harap ng Robinsons Place, Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal, dakong 3:00 PM noong September 4, 2026.

Batay sa ulat ni PLTCOL RESTITUTO E GRANIL, Hepe ng Plaridel MPS, kinilala ang naarestong suspek na isang 26 taong gulang na construction worker at residente ng Brgy. Sto. Niño, Plaridel, Bulacan sab isa ng Warrant of Arrest, Criminal Case Nos. 397-M-2024 at 398-M-2024 para sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inisyu ni Hon. Judge Julie P Mercurio, Regional Trial Court Branch 12, Malolos City, Bulacan, noong May 13, 2026.

Dinala ang naarestong indibidwal sa Plaridel MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Muling binigyang-diin ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang patuloy na pagpapaigting ng operasyon laban sa mga most wanted person upang matiyak na ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso ay mahahanap at mapapanagot alinsunod sa umiiral na batas.

BULACAN TOP 2 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO NG SJDM PNPCamp Gen Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Aresta...
05/09/2026

BULACAN TOP 2 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO NG SJDM PNP

Camp Gen Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Arestado ang isang indibidwal na kabilang sa Top 2 Most Wanted Person sa Provincial Level ng Bulacan Police Provincial Office matapos isilbi ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS katuwang ang RMFB 3, ang Warrant of Arrest laban sa kanya sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Abangan Norte, Marilao, Bulacan, dakong 6:39 PM noong September 4, 2026.

Ayon sa ulat ni PLTCOL NELSON M SARDIN, Hepe ng SJDM CPS, kinilala ang naarestong akusado na isang 26 taong gulang na lalaki, walang trabaho at residente ng Brgy. Muzon South, CSJDM, Bulacan, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong R**e by Sexual Assault, alinsunod sa Article 266-A, Paragraph 2 ng Revised Penal Code, as amended by RA 8353.

Ang nasabing warrant ay inisyu ni Hon. Judge GORGONIO B ELARMO JR, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 77, Malolos City, Bulacan, noong September 4, 2026, sa Criminal Case No. 5940-M-2026, na may inirekomendang piyansa na Php 200,000.00.

Dinala ang naarestong akusado sa SJDM CPS para sa pansamantalang pagkakakulong at kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa issuing court para sa nararapat na disposisyon.

Muling binigyang-diin ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang patuloy na pagpapaigting ng operasyon laban sa mga wanted person upang matiyak na ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso ay mahahanap at mapapanagot alinsunod sa umiiral na batas.

Address

Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bulacan Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category