01/11/2023
𝗠𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝘂𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻, 𝘁𝗮𝗼𝘀 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗦𝘂́𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 – 𝗕𝘂𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻.
Sa sampung araw na pag-ikot namin sa ating barangay nakita naramdaman namin ang inyong masidhing pagmamahal hindi lang sa amin kung hindi higit sa ating barangay.
Nagpapasalamat kami sa mga volunteer naming kabataan na nakasama namin sa kampanya: nagbilad sa araw para maiparamdam sa mga taong karapat-dapat kaming mahalal; hindi alintana ang init at puyat; hindi pinansin ang gutom; at higit sa lahat ay hindi nag-intay ng ano mang kapalit.
Ang katatapos lamang na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (2023) ay manipestasyon ng ating pagkakaisa tungo sa layuning mapabuti ang ating barangay. Ang mataas na bilang ng voter’s turnout ngayong taon ay repleksiyon din ng ating pagmamalasakit sa ating bayan sapagkat ipinakikita nito ang kagustuhan nating madinig at magluklok ng mga lider na magsisilbing boses natin.
𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗻 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻, 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗹𝗶𝗱𝗲𝗿-𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝘂𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗹𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁.
𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝘂́𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 – 𝗕𝘂𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻.
𝗞𝗮𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱-𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁: 𝘀𝗶𝗻𝗮 𝗗𝗮𝗿𝗲𝗻 𝗜𝘀𝗶𝗱𝗿𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗵𝗿𝗼𝗻𝗻 𝗖𝗮𝗺𝘂𝗮.
Buong galak din po naming ipinaabot ang pagbati sa mga makakasama nila sa konseho, ang ating Sangguniang Kabataan Chairperson-elect, 𝐁𝐞𝐚 𝐂𝐚𝐩𝐮𝐥𝐞 kasama ang iba pang SK Kagawad-elect na sina 𝐌𝐢𝐜𝐚𝐞𝐥𝐚 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐬 𝐌𝐚𝐜𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐃𝐞 𝐆𝐮𝐳𝐦𝐚𝐧, 𝐑𝐨𝐬𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐚𝐠, at 𝐌𝐢𝐠𝐮𝐞𝐥 𝐆𝐚𝐦𝐨𝐬.
Binabati rin naming ang mga bagong halal na kasapi ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Barangay Captain-elect 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐙𝐮𝐧̃𝐢𝐠𝐚, mga Sangguniang Barangay Kagawad-elect: 𝐂𝐫𝐢𝐬 𝐃𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬, 𝐏𝐚𝐩𝐨 𝐈𝐥𝐚𝐠, 𝐓𝐚𝐜𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐉𝐨𝐫𝐝𝐚𝐧 𝐃𝐞𝐥𝐨𝐬 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬, 𝐖𝐢𝐥𝐟𝐫𝐞𝐝𝐨 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐉𝐞𝐭 𝐃𝐞 𝐆𝐮𝐳𝐦𝐚𝐧, at 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐢𝐞 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐚𝐠.Umaasa po kaming bibigyan ninyo ng malaking pagpapahalaga ang karapatan ng ating mga kabataan sa Barangay Bulihan.
Sa mga kapuwa namin lider-kabataang nahalal, umaasa kami sa inyong serbisyong higit na inuuna ang kapakanan ng ating mga kabataan sa lahat ng pagkakataon.
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐮𝐰𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫-𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝, 𝐢𝐩𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧. 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐡𝐢𝐧𝐢𝐡𝐢𝐤𝐚𝐲𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢 𝐚𝐭 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐨 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮𝐭𝐡-𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐧𝐚 𝐨𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫-𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧.
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚-𝐒𝐮́𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐩𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐩𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐞𝐱𝐜𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐭.
Sama-sama at tulong-tulong nating paglingkuran ang isang progresibong Bulihan na palaging humahakbang pasulong para sa mas magandang bukas na masasandigan ng bawat isa.
𝐈𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧!