01/11/2023
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐
Taos pusong nag papasalamat ang buong Siklab Kabataan sa inyong walang sawang suporta sa aming grupo simula palang sa unang araw ng aming kampanya. Maraming salamat din lalo na sa mga taong matiyagang sumasama sa aming pagkatok sa mga tahanan kahit na umuulan o tirik man ang araw. Ang inyong pagod at pawis ay hindi namin sasayangin lalo't kami ang napili nyong bigyan ng inyong suporta at pagmamahal. Hindi man po pinalad makapasok ang iba sa aming grupo, asahan nyo po ang aming buong pusong paglilingkod sa ating barangay at sa pag-usbong ng isang progresibo at inklusibong Cofradia. Patuloy po kaming magseserbisyo para sa ikauunlad ng ating barangay at para sa ikabubuti ng ating mga kabataan. Muli salamat po sa inyong suporta sa aming mithiin at pag titiwala sa aming hangad na mag serbisyo sa ating bayan. Makaaasa po kayo na kami, na inyong mga iniluklok sa pwesto, ay maghahatid sa inyo ng tapat at may pusong paglilingkod. Mula po sa kaibuturan ng aming puso, maraming maraming salamat po!