Malolos City Population Welfare Division

Malolos City Population Welfare Division Malolos City Population Welfare Division

Responsible Parenting Movement (RPM) Class Today, September 9, 2026, parents and guardians gathered at San Vicente Baran...
09/09/2026

Responsible Parenting Movement (RPM) Class
Today, September 9, 2026, parents and guardians gathered at San Vicente Barangay Hall for the Responsible Parenting Movement (RPM) Class.

This meaningful session emphasized the importance of positive parenting, effective communication, responsible decision-making, and creating a safe, nurturing environment for every child.
Thank you to everyone for your support specially to Kapitan Danilo Arcega Jr., Konsehal Henry Reyes, Konsehal Bernie clemente and all the parents who participated and contributed to making this activity a success.

Together, we continue to empower families, strengthen our community, and build a brighter future for our children.


2nd Batch ng Libreng Bilateral Tubal Ligation at Non-Scalpel Vasectomy, Hatid sa mga Maloleño!Bilang pagtatapos ng Famil...
01/09/2026

2nd Batch ng Libreng Bilateral Tubal Ligation at Non-Scalpel Vasectomy, Hatid sa mga Maloleño!

Bilang pagtatapos ng Family Planning Mont Celebration ngayong Agosto, muling isinagawa ang Libreng Bilateral Tubal Ligation (BTL) at Non-Scalpel Vasectomy (NSV) para sa mga Maloleñong nagnanais ng ligtas, responsable, at planadong family planning noong Agosto 27, 2026 .

Sa pakikipagtulungan ng Malolos Population Welfare Division (POPCOM) sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Health Office, at DKT Foundation, katuwang ang mga Barangay Population Workers at Rural Health Units, umabot sa dalawampu’t limang (25) kababaihan ang nabigyan ng libreng Bilateral Tubal Ligation, habang tatlong (3) kalalakihan naman ang nabigyan ng libreng Non-Scalpel Vasectomy.

Ang programang ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang matiyak na ang bawat pamilyang Maloleño na may pangangailangan sa Family Planning ay mabigyan ng sapat na impormasyon, serbisyo, at suporta para sa isang planado at responsableng kinabukasan.

Taos-pusong pasasalamat para kay Mayor Christian D. Natividad, sa City Health Office, at sa DKT Foundation sa patuloy na suporta at pakikiisa upang maisulong ang mga programang pangkalusugan at family planning para sa mga mamamayan ng Malolos.
Maraming salamat din sa ating mga Barangay Population Workers, Rural Health Units, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programa.

Dahil sa Family Planning, ang Pamilyang Planado, Future ay Protektado! 💙





🛑🩺MAG-INGAT SA FALSE INFORMATION, ALAMIN ANG TRUTH SA FAMILY PLANNING! 🛑🩺Haka-haka sa kapitbahay? Sabi-sabi sa social me...
25/08/2026

🛑🩺MAG-INGAT SA FALSE INFORMATION, ALAMIN ANG TRUTH SA FAMILY PLANNING! 🛑🩺

Haka-haka sa kapitbahay? Sabi-sabi sa social media? Huwag basta maniwala sa fake news! Pagdating sa kalusugan at pagpapamilya, sa tamang eksperto dapat magtanong.

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagdiriwang ng National Family Planning Month ngayong Agosto! Paalala sa bawat pamilyang Malolenyo: Wag mahiya—bumisita at kumonsulta na sa ating local Health Center para sa tamang kaalaman at serbisyo!

Maging S.M.A.R.T. sa pagpapamilya:
🔹 S - Sama-samang nagpaplano
🔹 M - May tamang kaalaman
🔹 A - Aktibong nagpapasya para sa kalusugan
🔹 R - Responsableng pagpapamilya
🔹 T - Tiyak na may maginhawang kinabukasan

Tara, usap tayo ukol sa Family Planning! Dahil kapag malayang pinag-uusapan ang plano, panalo ang buong pamilya! 💪🏽




💊💉✨OPTIONS! OPTIONS! OPTIONS! PILIIN ANG PINAKAMAINAM NA FAMILY PLANNING METHOD NA SWAK SA'YO! 💊💉✨Implant? Pills? Inject...
24/08/2026

💊💉✨OPTIONS! OPTIONS! OPTIONS! PILIIN ANG PINAKAMAINAM NA FAMILY PLANNING METHOD NA SWAK SA'YO! 💊💉✨

Implant? Pills? Injectables? IUD? Condom? O Natural Methods? Napakaraming pagpipilian kaya siguradong mayroong angkop para sa iyong katawan at pangangailangan! At kung magkaroon man ng side effects, huwag itigil—kumonsulta lang sa ating healthcare workers para sa alternatibong method!

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagdiriwang ng National Family Planning Month ngayong Agosto! Paalala sa bawat pamilyang Malolenyo: Ang tamang pagpili ng family planning method ay susi sa isang ligtas at planadong kinabukasan.

Maging S.M.A.R.T. sa pagpapamilya:
🔹 S - Sama-samang nagpaplano
🔹 M - May tamang kaalaman
🔹 A - Aktibong nagpapasya para sa kalusugan
🔹 R - Responsableng pagpapamilya
🔹 T - Tiyak na may maginhawang kinabukasan

Tara, usap tayo ukol sa Family Planning! Dahil kapag malayang pinag-uusapan ang plano, panalo ang buong pamilya! 💪🏽




💬👨‍👩‍👧‍👦✨TARA, USAP TAYO SA FAMILY PLANNING! 💬👨‍👩‍👧‍👦✨Ang bukas at tapat na komunikasyon sa loob ng pamilya ang unang ha...
13/08/2026

💬👨‍👩‍👧‍👦✨TARA, USAP TAYO SA FAMILY PLANNING! 💬👨‍👩‍👧‍👦✨

Ang bukas at tapat na komunikasyon sa loob ng pamilya ang unang hakbang tungo sa maunlad at maginhawang kinabukasan! Huwag mahihiyang pag-usapan ang tungkol sa afya, pangangailangan, at mga pangarap ng mag-anak.

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagdiriwang ng National Family Planning Month ngayong Agosto! Paalala sa bawat pamilyang Malolenyo: Tandaan, panalo ang pamilyang planado!

Maging S.M.A.R.T. sa pagpapamilya:
🔹 S - Sama-samang nagpaplano
🔹 M - May tamang kaalaman
🔹 A - Aktibong nagpapasya para sa kalusugan
🔹 R - Responsableng pagpapamilya
🔹 T - Tiyak na may maginhawang kinabukasan
Tara, usap tayo ukol sa Family Planning! Dahil kapag malayang pinag-uusapan ang plano, panalo ang buong pamilya! 💪🏽





🗓️💖SA FAMILY PLANNING, POSIBLE ANG TAMANG SPACING! 🗓️💖Alam mo ba? Ayon sa World Health Organization (WHO), mahalagang ma...
12/08/2026

🗓️💖SA FAMILY PLANNING, POSIBLE ANG TAMANG SPACING! 🗓️💖

Alam mo ba? Ayon sa World Health Organization (WHO), mahalagang magkaroon ng pagitan na hindi bababa sa dalawang (2) taon ang bawat pagbubuntis para sa kalusugan ni baby at ni mommy!

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagdiriwang ng National Family Planning Month ngayong Agosto! Paalala sa bawat pamilyang Malolenyo: Sa tulong ng tamang pagpapaplano at konsultasyon sa ating mga healthcare worker, kayang-kaya nating ma-achieve ang at least 2-year spacing para sa mas masaya at malusog na mag-anak.

Maging S.M.A.R.T. sa pagpapamilya:
🔹 S - Sama-samang nagpaplano
🔹 M - May tamang kaalaman
🔹 A - Aktibong nagpapasya para sa kalusugan
🔹 R - Responsableng pagpapamilya
🔹 T - Tiyak na may maginhawang kinabukasan
Tara, usap tayo ukol sa Family Planning! Dahil kapag malayang pinag-uusapan ang plano, panalo ang buong pamilya! 💪🏽




💖✨NOT YET READY? NO NEED TO HURRY! 💖✨"Aral-aral muna?" "Ipon muna para sa dream house?" O baka naman "Furbabies are enou...
11/08/2026

💖✨NOT YET READY? NO NEED TO HURRY! 💖✨

"Aral-aral muna?" "Ipon muna para sa dream house?" O baka naman "Furbabies are enough for now?" Ano man ang dahilan, valid 'yan!

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagdiriwang ng National Family Planning Month ngayong Agosto! Paalala sa bawat pamilyang Malolenyo: Ang pagbuo at pagpapalaki ng pamilya ay hindi kinakailangang madaliin.

Maging S.M.A.R.T. sa pagpapamilya:
🔹 S - Sama-samang nagpaplano

🔹 M - May tamang kaalaman

🔹 A - Aktibong nagpapasya para sa kalusugan

🔹 R - Responsableng pagpapamilya

🔹 T - Tiyak na may maginhawang kinabukasan

Tara, usap tayo ukol sa Family Planning! Dahil kapag malayang pinag-uusapan ang plano, panalo ang buong pamilya! 💪🏽





𝐌𝐚𝐥𝐨𝐥𝐞ñ𝐞𝐰𝐬: 30 mag-asawa sa Malolos, tumanggap ng insentibo sa pagdiriwang ng kanilang Ginintuang Anibersaryo ng Pag-iis...
05/08/2026

𝐌𝐚𝐥𝐨𝐥𝐞ñ𝐞𝐰𝐬: 30 mag-asawa sa Malolos, tumanggap ng insentibo sa pagdiriwang ng kanilang Ginintuang Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib.

Nakatanggap ng ₱5,000 na insentibo ang 30 mag-asawa ngayong ika-5 ng Agosto 2026 sa ilalim ng programang "Ginintuang Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib" na ginanap sa 5th Floor, City Social Welfare and Development Office (Extension Office) ng Bagong Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Ang programa ay ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Abgdo. Christian D. Natividad, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – Population Welfare Division, alinsunod sa Kautusang Panlungsod Blg. 12-2023, na nagbibigay ng insentibo sa mga kuwalipikadong mag-asawang nagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal at naninirahan sa Lungsod ng Malolos.

Ayon kay Population Program Officer IV Joemari S. Caluag, Layunin ng programa na bigyang pagkilala ang mga mag-asawang nagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal bilang modelo ng mga pamilya sa Lungsod ng Malolos. Aniya, sa kabila ng tagal ng kanilang pagsasama at ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, nananatili silang magkasama at nagsisilbing huwaran para sa iba pang mga pamilya sa lungsod.

Samantala, ibinahagi ng mag-asawang Teresita Toralba at Ronald Toralba, na kabilang sa mga benepisyaryo, na malaking tulong ang natanggap nilang insentibo para sa kanilang maintenance at iba pang gastusin sa bahay. Ayon sa kanila, kapwa sila walang benepisyo kaya't malaki ang maitutulong ng naturang insentibo sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang ordinansang ito ay sumasakop sa mga permanenteng naninirahan sa Lungsod ng Malolos nang hindi bababa sa anim (6) na taon, ngunit pansamantalang naninirahan sa ibang lugar dahil sa trabaho, hangga't ang isa sa mag-asawa ay nananatiling naninirahan sa lungsod hanggang sa ipagdiwang ang ika-50 taong anibersaryo ng kanilang kasal.

𝐊𝐖𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍
Sa mga nais magpasa ng aplikasyon, ang mga sumusunod ang kwalipikasyon upang makatanggap ng insentibo ayon sa ordinansang nabanggit:
a. Ikinasal nang naaayon sa umiiral na batas ng Pilipinas at ang nasabing kasal ay nakarehistro sa City Civil Registrar (CCR) ng Lungsod ng Malolos;
b. Ang kasal ay legal at umiiral nang limampung (50) taon mula sa pagkakarehistro ng nasabing kasal sa City Civil Registrar (CCR);
c. Para sa mga Muslim at katutubong legal ang pag-aasawa ng higit sa isa, ang unang kasal na nakarehistro sa City Civil Registrar (CCR) ang makatatanggap ng kaukulang insentibo;
d. Bago ang pagbibigay ng insentibo, marapat lamang na walang naging bahagi ng paghihiwalay ang mag-asawa sa buong panahon ng kanilang pagsasama; at
e. Kung sa kasalukuyan ay pumanaw na ang kabiyak ng naturang kwalipikadong mag-asawa na nakapagdiwang na ng ika-50 taong anibersaryo, kinakailangang magsumite ng Death Certificate.

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐀𝐏𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍
Ang kwalipikadong mag-asawa ay maaaring magsumite ng orihinal na kinakailangang mga dokumento sa Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad – Dibisyon ng Kagalingang Pangpopulasyon. Kung hindi na kayang personal na magtungo ng kwalipikadong mag-asawa sa naturang tanggapan, maaaring magsumite ang kanilang anak o ang pinakamalapit na kamag-anak, kung wala silang anak.

𝐌𝐆𝐀 𝐃𝐎𝐊𝐔𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄
a. PSA CENOMAR ng mag-asawa;
b. Barangay Residency; at
c. Sinumpaang Salaysay ng Paninirahan nang higit sa anim (6) na taon.

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀
Para sa mga mag-asawang magdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal mula Hulyo hanggang Disyembre 2026ay maaari nang ipaalam ang kanilang pangalan sa kanilang Barangay Population Worker. Para naman sa mga mag-asawang magdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal sa taong 2027 ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa kanilang barangay upang maisama ang kanilang pangalan sa profiling.

05/08/2026

"Happy 27th Birthday, Ms. Crystal Joy! 🎉! Kami ay nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at natatanging sipag. Nawa'y magpatuloy ang tagumpay sa iyong karera, pati na rin sa iyong pamilya bilang isang huwarang ina at kabiyak. Nawa'y magpatuloy ang tagumpay sa iyong karera, Maligayang Kaarawan! 🎈🏢"

Responsible Parenting Movement (RPM) Class Today, August 5, 2026, parents and guardians gathered at Mojon Day Care Cente...
05/08/2026

Responsible Parenting Movement (RPM) Class

Today, August 5, 2026, parents and guardians gathered at Mojon Day Care Center for the Responsible Parenting Movement (RPM) Class.

This meaningful session emphasized the importance of positive parenting, effective communication, responsible decision-making, and creating a safe, nurturing environment for every child.

Thank you to everyone for your support specially to Kap. Michael Adriano, Konse. Avelino Mercado, Day Care Teachers Maám Jane Valdez, Ma'am Cordelia Puno Ramos, Ma'am Gladdy Carr P. Corpuz and all Daycare parents who participated and contributed to making this activity a success.

Together, we continue to empower families, strengthen our community, and build a brighter future for our children.


Address

Brgy. Bulihan
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Telephone

+63449318888

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malolos City Population Welfare Division posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share