Malolos City Information Office

Directions Website

Malolos City Information Office Welcome to the official page of the City Government of Malolos Information Office. We will reply to all queries to the best of our ability.

Malolos City Information Office Facebook guidelines:
MALOLOS CITY INFORMATION OFFICE:

The Malolos City Information Office page provides information about upcoming events and activities, important news updates and links to significant and useful information about the City Government of Malolos. Our page is monitored and maintained by our City Information Office team from Monday to Friday, 8:00 AM to 5:00 PM. We welcome comments and clarifications that WERE NOT COVERED by our LATEST POSTS. There will be queries, concerns and information which we will not be able to provide IF WE ARE NOT AUTHORIZED TO DO SO AND IF IT IS NOT UNDER OUR JURISDICTION. PAGE POLICIES:
MCIO reserves the right to delete comments (and ban the authors) that are:
- offensive or abusive, including aggressing a third-party organization or individual;
- containing anger, hate and/or violence;
- containing defamatory& malicious statements;
- considered as third-party promotion or marketing;
- including links to third-party web sites;
- are out of context of the post on which they were posted;
- spamming the conversations;
- inappropriately long;
- containing personal information, such as names, addresses, e-mail addresses or phone numbers;
- containing po*******hy;
- naming or tagging individuals (particularly on photos) as people might not feel comfortable being identified publicly. DISCLAIMER: Although we take care in producing the content for our page, it does not guarantee that the information is free from defects. Corrections and updates shall be made whenever necessary.

Maloleรฑews: City of Malolos DRRMO, pinangunahan ang TECC training para sa mas handa at maagap na emergency respondersPin...
05/10/2026

Maloleรฑews: City of Malolos DRRMO, pinangunahan ang TECC training para sa mas handa at maagap na emergency responders

Pinalakas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang kahandaan at kakayahan ng mga emergency responder sa pamamagitan ng Tactical Emergency Casualty Care (TECC) Training na nagtapos noong Oktubre 2, 2026, sa Mac Mac Shooting Range, Plaridel, Bulacan.
Lumahok sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Explosive Ordnance Disposal (EOD), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) mula sa ibaโ€™t ibang bayan sa Bulacan.

Pinangunahan nina Dr. Teofredo Esguerra at Ronald Canisares ang training bilang mga lead trainer, katuwang sina Maila Cabisares, James Yves Feliciano, Gamaliel Pia, at Joel Carillo bilang mga instructor.

Tampok na aktibidad ang praktikal na pagsasanay, mga aktuwal na simulation, at iba pang hands-on exercises na isinagawa sa Mac Mac Shooting Range. Sa pamamagitan nito, nahasa ang mga kalahok sa mga pamamaraan ng agarang pangangalaga sa mga nasugatan sa mga sitwasyong may mataas na panganib, habang binibigyang-diin ang kaligtasan, disiplina, at koordinasyon sa pagtugon sa mga emergencies.

Nagtapos ang programa sa pamamahagi ng mga sertipiko sa mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagkumpleto ng pagsasanay.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng TECC Training, patuloy na pinagtitibay ng CDRRMO ang kahandaan ng mga frontliner upang maisulong ang mas maagap, organisado, at epektibong pagtugon sa mga emergency at sa kaligtasan ng publiko.

HAPPENING NOW: Akay Laya: Bridging Skills to Second Chances ay kasalukuyang isinasagawa sa CMCDC Building, ika-5 ng Oktu...
05/10/2026

HAPPENING NOW: Akay Laya: Bridging Skills to Second Chances ay kasalukuyang isinasagawa sa CMCDC Building, ika-5 ng Oktubre 2026.

๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐žรฑ๐ž๐ฐ๐ฌ: Senior Citizens Associations sa Malolos, Nagkaisa sa Pagdiriwang ng Elderly MonthPormal nang binuksan ang si...
05/10/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐žรฑ๐ž๐ฐ๐ฌ: Senior Citizens Associations sa Malolos, Nagkaisa sa Pagdiriwang ng Elderly Month

Pormal nang binuksan ang simula ng 2026 Elderly Month Celebration sa Lungsod ng Malolos, kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas nitong Lunes, ika-5 ng Oktubre, 2026, sa Liwasang Republika, New Malolos City Hall Grounds.

Pinangunahan ni Dr. Victor R. Batanes, Chairman ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ang paggunita na may temang โ€œNakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.โ€

Bilang bahagi ng programa, ibinahagi rin ni Dr. Batanes ang mga hakbang tungo sa pagkakaisa ng mga Senior Citizens Association sa lungsod, kabilang ang BSCAI at FSCAP. Layunin nitong higit pang mapagtibay ang koordinasyon at pagkakaisa ng mga organisasyon ng mga nakatatanda sa Malolos.

Tinalakay ang naturang hakbang sa isinagawang General Assembly na dinaluhan ng mga pangulo ng mga Senior Citizens Association sa lungsod.
Samantala, ilan sa mga gawaing inihanda ng OSCA ay ang Thanksgiving Mass, Unity Walkโ€“Indakan nina Lolo at Lola, visitation sa Tahanang Mapagpala, at Culminating Activity at Awarding.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, binibigyang-diin ang mahalagang papel ng mga nakatatanda sa pamilya, komunidad, at lipunan, gayundin ang kanilang mga karapatan, boses, at patuloy na ambag sa pag-unlad ng lungsod.

Happening now | Pagtitipon ng mga representante mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos para sa ...
05/10/2026

Happening now | Pagtitipon ng mga representante mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) orientation, ngayong ika-5 ng Oktubre, 2026, sa City Administrator's Conference Room, 2nd Floor ng New Malolos City Hall.

๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐ž๐งฬƒ๐ž๐ฐ๐ฌ: City of Malolos Health Office at PhilHealth, nagsagawa ng YAKAP Registration at screening para sa mga kawan...
05/10/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐ž๐งฬƒ๐ž๐ฐ๐ฌ: City of Malolos Health Office at PhilHealth, nagsagawa ng YAKAP Registration at screening para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos

Nagsimula na ngayong araw, ika-5 ng Oktubre, 2026 ang 3-day YAKAP registration and screening para sa mga Kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Layunin ng aktibidad na maisagawa ang kinakailangang pagpaparehistro at health screening ng mga kawani, gayundin na makatulong sa maagang pagtukoy ng mga kondisyong maaaring mangailangan ng karagdagang pagsusuri o atensyong medikal.

Pinangunahan ng mga kawani ng City Health Office, at PhilHealth ang registration at screening, na nakatuon sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga empleyado ng City Government of Malolos.

Ang PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan) ay isang primary care program na naglalayong mapalakas ang pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng regular na konsultasyon, preventive care, laboratory at diagnostic services, cancer screening, at iba pang benepisyo para sa mga kwalipikadong miyembro.

Inaasahang magpapatuloy ang kampanya ng City Health Office sa PhilHealth YAKAP program sa iba pang nakatakdang lugar sa lungsod hanggang Oktubre 30, 2026, upang mas mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga benepisyaryo.

Malolenews: Kakayahan ng Barangay Womenโ€™s Desk Officers sa Pagtugon sa Vawc at Gender-Based Violence, PinalakasPinaigtin...
05/10/2026

Malolenews: Kakayahan ng Barangay Womenโ€™s Desk Officers sa Pagtugon sa Vawc at Gender-Based Violence, Pinalakas

Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang kakayahan ng mga Barangay Womenโ€™s Desk Officer sa pagtugon sa mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak (Violence Against Women and Children o VAWC) at Gender-Based Violence (GBV) sa pamamagitan ng tatlong araw na pagsasanay sa 4Rs Protocol: Recognize, Record, Report, and Refer.

Isinagawa ang pagsasanay noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 1 sa The Camp 179, Pritil, Guiguinto, Bulacan, na naglalayong higit na mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagkilala sa mga palatandaan ng karahasan at pang-aabuso, wastong pagtatala ng mga insidente, agarang pag-uulat, at angkop na pagsangguni sa mga kinauukulang tanggapan at ahensiya.

Binigyang-diin sa training ang mahalagang papel ng mga Barangay Womenโ€™s Desk Officer bilang frontline responders sa mga kababaihan at batang nakararanas ng karahasan. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at pagsunod sa itinakdang proseso, inaasahang magiging mas maagap, maayos, at survivor-centered ang pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong at proteksiyon.

Nakatuon ang 4Rs Protocol sa apat na pangunahing hakbang: Recognize o pagkilala sa mga palatandaan ng karahasan at pang-aabuso; Record o maingat at kumpidensiyal na pagtatala ng mahahalagang impormasyon; Report o agarang pag-uulat sa mga kinauukulan; at Refer o pagsangguni sa mga biktima-survivor sa angkop na serbisyong panlipunan, medikal, legal, at pangkaligtasan.

Bilang mga frontline service provider sa mga barangay, mahalagang matiyak ng mga Womenโ€™s Desk Officer na ang bawat kasong iniuulat ay hinahawakan nang may paggalang, malasakit, at pag-iingat sa pagkakakilanlan at kaligtasan ng mga biktima-survivor. Mahalaga rin ang kanilang koordinasyon sa CSWDO at iba pang kinauukulang ahensiya upang matiyak ang tuloy-tuloy at angkop na suporta para sa mga nangangailangan.

Ayon sa CSWDO, kabilang sa pangunahing target na kinalalabasan ng pagsasanay ang pagkamit ng zero violence against women and their children at zero gender-based violence sa Lungsod ng Malolos. Sa pamamagitan nito, layunin ng tanggapan na higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga barangay na maagap na tumugon sa mga insidente, maiwasan ang paglala ng karahasan, at makatulong sa paglikha ng mas ligtas na kapaligiran para sa kababaihan at mga bata.

Pinangunahan ang pagsasanay ni Sheryl Balatbat-Santos ng DSWD Region III bilang resource speaker, katuwang ang mga kawani ng CSWDO sa pangunguna nina Jinky Joy Del Rosario, RSWO IV, at Kim Patricia Balagtas, RSWO I, kasama sina Marivic Valera at Manet Robles, mga Admin Aide ng tanggapan.

Sa huli, ang pagkamit ng isang lungsod na malaya sa karahasan ay hindi lamang nakasalalay sa mga batas at polisiya, kundi maging sa maagap na pagkilos, wastong kaalaman, at sama-samang pananagutan ng bawat lingkod-bayan at mamamayan.

05/10/2026

๐— ๐—”๐—š-๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ง, ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‹๐Ž๐‹๐„๐ฬƒ๐Ž๐’!

๐ŸŒž Ramdam na ba ang matinding init? Kasabay ng mataas na temperatura ang posibilidad ng kakulangan sa tubig at pagtaas ng mga sakit na dulot ng mainit na panahon.

๐Ÿ’งโ˜€๏ธ Alamin ang mga simpleng paraan upang mapanatiling ligtas at malusog ang inyong pamilya sa pamamagitan ng mahahalagang paalala sa bidyong ito.

Sa panahon ng El Niรฑo, ang pagiging handa at maingat ay malaking hakbang upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng matinding init. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan at maging handa sa anumang hamon ng panahon.

๐Ÿ“ข Isang paalala mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos โ€” magkaisa tayo sa paghahanda laban sa mga epekto ng El Niรฑo!

05/10/2026

It's been a while mga Maloleรฑo, na-miss namin kayo! Muli kaming samahan sa mahigit isang oras na kwentuhan kasama si Kuya T-Rex.

Kalagayan ng kakalsadahan at ulat ng panahon ay ihahatid namin sa inyo. Dito sa programang hindi lang kwentuhan pero mayroon ding kapupulutan ng aral.

Kaya't i-share na sa inyong mga kaibigan at pamilya para hindi mahuli sa mga latest na ganap sa Lungsod ng Malolos. Ito ang GoodMorningMalolos! ๐ŸŒžโ˜•๐Ÿฆ–

Happening Now: "UNITY WALK" para sa Elderly Month 2026 Celebration nitong ika-5 ng Oktubre, 2026 sa New Malolos City Hal...
04/10/2026

Happening Now: "UNITY WALK" para sa Elderly Month 2026 Celebration nitong ika-5 ng Oktubre, 2026 sa New Malolos City Hall Grounds ( Amphitheater - OSCA Building ), Bulihan, City of Malolos, Bulacan.

Pagbati sa mga ๐๐ข๐๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ! โญ๏ธIsang malugod na pagbati sa mga barangay na nagkamit ng pagkilal...
04/10/2026

Pagbati sa mga ๐๐ข๐๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ! โญ๏ธ

Isang malugod na pagbati sa mga barangay na nagkamit ng pagkilala sa nagdaang Bidang Barangay ng Bulacan: Huwaran sa Gawa, Bida sa Serbisyo:

๐Ÿ† ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ฒ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฆ (๐๐ˆ๐Œ๐’)
โญ๏ธ Brgy. Bungahan
โญ๏ธ Brgy. Dakila
โญ๏ธ Brgy. Sumapang Matanda

๐Ÿ† ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐„๐ฑ๐œ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ฒ (๐๐„๐’๐“) ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ๐ฌ
โญ๏ธ Brgy. Dakila
โญ๏ธ Brgy. Guinhawa
โญ๏ธ Brgy. Caingin
โญ๏ธ Brgy. Calero
โญ๏ธ Brgy. Ligas
โญ๏ธ Brgy. Look 1st
โญ๏ธ Brgy. Look 2nd
โญ๏ธ Brgy. San Pablo
โญ๏ธ Brgy. Santo Cristo
โญ๏ธ Brgy. Sumapang Matanda
โญ๏ธ Brgy. Cofradia

๐Ÿ† ๐ƒ๐ซ๐ฎ๐ -๐…๐ซ๐ž๐ž ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ
โญ๏ธ Brgy. Namayan
โญ๏ธ Brgy. Niugan

Address

2nd Floor, New City Hall Building, Brgy. Bulihan, Mac Arthur Hi Way
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malolos City Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share