DOLE Bulacan TUPAD

DOLE Bulacan TUPAD TULONG PANGHANAPBUHAY SA ATING DISADVANTAGED/DISPLACED WORKERS

"Disiplina at Malasakit": Malinis na Komunidad, Nakamit sa Sama-samang Aksyon ng TUPAD BeneficiariesIsinagawa ang masusi...
14/12/2025

"Disiplina at Malasakit": Malinis na Komunidad, Nakamit sa Sama-samang Aksyon ng TUPAD Beneficiaries

Isinagawa ang masusing paglilinis ng mga creek at kanal sa komunidad sa tulong ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa bayan ng Marilao, Obando at Lungsod ng Meycauayan na may kabuuang bilang na tatlong daan at labindalawa (312). Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, maiwasan ang pagbaha, at mabawasan ang pagkalat ng sakit dulot ng baradong daluyan ng tubig.

Aktibong nakiisa ang mga benepisyaryo sa pagtanggal ng basura, damo, water lily, at mga sagabal sa mga creek at kanal. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, naging mas maayos ang daloy ng tubig at mas naging ligtas at malinis ang kapaligiran ng komunidad.

Bukod sa pansamantalang hanapbuhay na naibigay sa mga benepisyaryo, nagsilbi rin ang proyekto bilang paalala sa kahalagahan ng disiplina, malasakit sa kalikasan, at pagtutulungan ng bawat mamamayan. Ang ganitong mga programa ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, makakamit ang mas malinis, ligtas, at maunlad na pamayanan.

15/11/2025
π‘―π’Šπ’π’…π’Š π’π’‚π’π’ˆ π’‘π’‚π’π’ˆ 𝑲𝒂𝒍𝒔𝒂𝒅𝒂, π’‘π’‚π’π’ˆ π‘Ίπ’†π’Žπ’†π’π’•π’†π’“π’šπ’ 𝒑𝒂! - Bilang paghahanda sa pag gunita ng Undas 2025, ang mga benepisyaryo ng 𝐓𝐔...
30/10/2025

π‘―π’Šπ’π’…π’Š π’π’‚π’π’ˆ π’‘π’‚π’π’ˆ 𝑲𝒂𝒍𝒔𝒂𝒅𝒂, π’‘π’‚π’π’ˆ π‘Ίπ’†π’Žπ’†π’π’•π’†π’“π’šπ’ 𝒑𝒂! - Bilang paghahanda sa pag gunita ng Undas 2025, ang mga benepisyaryo ng 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 mula sa iba't ibang Bayan sa Lalawigan ng Bulacan ay aktibong naki-isa upang malinis ang mga pampublikong sementeryo. Patunay lamang nito ang pagiging epektibo ng nasabing programa upang higit na makatulong sa komunidad.

Address

#748 Estrella St. , 3rd Floor, San Francisco Square Bldg. , Brgy. Sto. Nino
Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOLE Bulacan TUPAD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share