05/06/2026
Munting Handog, Malaking Pangarap: NFA Bukidnon Maramag Warehouse, Kaagapay ng Kabataan sa Brigada Eskwela
Bilang bahagi ng patuloy na layunin ng National Food Authority na maghatid ng de-kalidad na serbisyo sa sambayanang Pilipino at suportahan ang mga programa ng pamahalaan, aktibong nakiisa ang mga kawani ng NFA Bukidnon – Maramag Warehouse sa Brigada Eskwela 2026 ng Maramag Central Elementary School.
Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga school supplies para sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan, ipinamalas ng mga kawani ang kanilang malasakit at pakikiisa sa pagsusulong ng edukasyon bilang mahalagang pundasyon ng pag-unlad ng bansa.
Patunay ito na ang serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa pagtupad ng mandato, kundi maging sa pakikibahagi sa mga programang naglalayong mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.🌾