12/12/2025
Lubos na nagpapasalamat ang buong pamunuan ng Mendoza Memorial Elementary School sa mga mag-aaral ng Perpetual Help College sa matagumpay na isinagawang outreach program para sa mga bata ng aming paaralan.
Ang inyong ipinamalas na malasakit, panahon, at dedikasyon ay nagdulot ng di matatawarang kagalakan sa aming mag-aaral.
Isang espesyal na pasasalamat ang inihahandog namin sa SK Chairman ng Brgy. Lareg-Lareg, G. Francis Ermita, sa kaniyang pangunguna at pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang makabuluhang programang ito.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain at pagkalooban ng lakas upang makapaghatid pa ng kabutihan sa mas nakararami.
Muli, isang taos-pusong pasasalamat mula sa buong pamunuan ng Mendoza Memorial ES. Mabuhay po kayo!