Mdrrmo Malasiqui

Mdrrmo Malasiqui Narito ang HOTLINE NUMBERS ng MDRRMO MALASIQUI (RESCUE) na maaaring tawagan 24/7 in case of emergency:
09812663928
09812663929

25/09/2025

𝗥𝗮𝗶𝗻𝗳𝗮𝗹𝗹 𝗔𝗱𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿𝘆
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat) / Severe Tropical Storm (STS)
Issued at 08:00 PM 25 September 2025

Mahina hanggang katamtaman at minsan ay malakas na pag-ulan ang kasalukuyang nararanasan sa (Agno, Bani, Basista, Bolinao, Burgos, Calasiao, Dasol, Malasiqui, Santa Barbara, San Carlos City) na maaaring magpatuloy sa loob ng susunod na 2 hanggang 3 oras at posibleng makaapekto rin sa mga karatig na lugar.

Source: Northern Luzon Prsd




25/09/2025

ANNOUNCEMENT!

WALANG PASOK sa LAHAT ng ANTAS bukas, Setyembre 26, 2025 (Biyernes), sa inaasahang sama ng panahon bunsod ng paparating na Bagyong Opong.

Mga Paalala sa Ating mga Kababayan:

Manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso mula sa PAGASA, MDRRMO Malasiqui, at LGU MALASIQUI

Ihanda ang mga emergency supplies tulad ng pagkain, tubig, gamot, flashlight, at fully charged na cellphone.

Iwasan ang pagtawid sa mga ilog, sapa, o binahang lugar.

Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

In case of emergency, narito ang HOTLINE NUMBERS ng Mdrrmo Malasiqui na maaaring tawagan 24/7:
09812663928
09812663929

Para naman sa tuloy-tuloy na updates sa lagay ng panahon, maaaring sumangguni sa Pangasinan PDRRMO at DOST-PAGASA.

Manatiling alerto, ligtas, at updated!

Pakabat!!
01/08/2025

Pakabat!!

25/07/2025

PAALALA!!

Pinablin Kabaleyan!

Mataas pa rin ang tubig sa mga creekside at riverside sa ating bayan. Ang mabilis na agos at biglaang pagtaas ng tubig ay maaaring magdulot ng panganib. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagliligo o paglalaro sa nasabing lugar.

Ugaliing magpaalala sa inyong mga nasasakupan at hikayatin ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak.

Ang ating kooperasyon ay mahalaga upang maiwasan ang anumang insidente.
Maraming salamat po

In case of emergency, narito ang HOTLINE NUMBERS ng Mdrrmo Malasiqui na maaaring tawagan 24/7:
09812663928
09812663929

Isinagawa ang mabilis na pagresponde ng ating mga BFP at MDRRMO Personnel sa naganap na sunog sa Don Pedro noong nakaraa...
15/04/2025

Isinagawa ang mabilis na pagresponde ng ating mga BFP at MDRRMO Personnel sa naganap na sunog sa Don Pedro noong nakaraang April 06, 2025 sa oras na 1307 H. Naitaas ang pangalawang alarma sa oras na 1314 H at agad na nakahingi ng tulong sa kalapit na mga bayan. Bukod sa dalawang (2) Fire Truck ng BFP, agad din na ipinadala ang dalawang (2) Penetrator Fire Truck ng MDRRMO upang mas epektibong makalapit sa pinagmumulan ng apoy, lalo na sa mga masisikip at mahihirap abutin na bahagi ng lugar. Matagumpay na naabot at naapula ang apoy sa mga kritikal na bahagi ng nasusunog na estruktura at naiwasan ang pagkalat nito sa kalapit na mga bahay.

Dumating sa oras na 1324 ang mga tulong galing sa Bayambang, Calasiao and San Carlos Fire Station. Naideklarang under control ang sunog sa ganap na 1330 H and fire out at 1447 H.

👏 Saludo tayo sa ating mga frontliners na hindi nag-atubiling gampanan ang kanilang tungkulin para sa kaligtasan ng komunidad!

Narito ang HOTLINE NUMBERS ng MDRRMO MALASIQUI (RESCUE) na maaaring tawagan 24/7 in case of emergency:
09812663928
09812663929

Ingat, Kabaleyan!

Address

Rizal Street , Poblacion
Malasiqui
2421

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mdrrmo Malasiqui posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mdrrmo Malasiqui:

Share