30/05/2026
Handa na ba ang lahat para sa pagbabalik-eskwela ng ating mga mahal na mag-aaral para sa School Year 2026-2027? Sa pagtutulungan ng ating komunidad, sabay-sabay nating ihanda ang isang ligtas, malinis, at matatag na paaralan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan!
Inaanyayahan po ng Camanga Elementary School, sa pamumuno ng ating School Head na si Mrs. Porferia T. Gomez at Brigada Coordinator na si Ms. Janaira M. Esmael, ang lahat ng mga magulang, alumni, lokal na pamahalaan, mga pribadong sektor, at mga boluntir na makilahok sa ating taunang Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela (OBE).
🤝 PAANO MAKA-TULONG AT MAG-DONASYON?
Tumatanggap po ang ating paaralan ng mga In-Kind Donations tulad ng:
🎨 Latex & Enamel Paint (Green/White) at Paintbrushes
🧹 Tingting, Tambo, Mops, at Basahan
🧼 Disinfectant Sprays, Alcohol, at Sabon
🗑️ Trash Bins at Plastic Bags
💡 LED Bulbs at mga kagamitang pang-kumpuni
🩺 First Aid Kit supplies
Para sa mga katanungan, donasyon, at iskedyul ng pagbisita, maaari po kayong magpadala ng mensahe direkta rito sa ating Opisyal na page.
Huwag kalimutang i-like at i-share ang post na ito para sa mas malawak na impormasyon. Kita-kita po tayo, mga Ka-Brigada!