San Lorenzo Ruiz General Hospital

San Lorenzo Ruiz General Hospital This page is created exclusively for promotion of the hospital's advocacies, health programs, services, and important announcements to the general public.

(only page)

TALKING ABOUT SU***DE SAVES LIVESAyon sa mga eksperto sa mental health, maraming tao ang nakakaranas ng suicidal thought...
14/09/2026

TALKING ABOUT SU***DE SAVES LIVES

Ayon sa mga eksperto sa mental health, maraming tao ang nakakaranas ng suicidal thoughts ngunit natutulungan kapag nabibigyan ng ligtas na espasyo kung saan maaari silang mapakinggan.

Ang bukas at maunawaing pag-uusap tungkol sa su***de ay hindi nagdudulot ng suicidal thoughts. Sa halip, nakatutulong ito upang maramdaman ng isang tao na hindi siya nag-iisa at may handang makinig.

Be a safe space: Makinig nang may pang-unawa at paghuhusga, magpakonsulta sa pinakamalapit na health center at kung kinakailangan, makipag-usap sa mga propesyunal at eksperto sa Mental Health.

Kung ikaw o ang iyong kakilala ay nangangailangan ng propesyonal na tulong, may handang makinig sa inyo 24/7 NCMH Crisis Hotline: 1553 (Luzon-wide landline toll-free)







🏨 πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† π€ππ”ππ’π˜πŽ πŸš‘Mananatili pong walang iskedyul ng ππ„π‘πˆππ€π“πŽπ‹πŽπ†π˜ π‚π‹πˆππˆπ‚ tuwing Biyernes ngayong buwan ng Setyembre....
14/09/2026

🏨 πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† π€ππ”ππ’π˜πŽ πŸš‘

Mananatili pong walang iskedyul ng ππ„π‘πˆππ€π“πŽπ‹πŽπ†π˜ π‚π‹πˆππˆπ‚ tuwing Biyernes ngayong buwan ng Setyembre.

Samantalang magsisimula na po ulit magkaron ng konsultasyon sa π‘π„πˆ π‚π‹πˆππˆπ‚ simula bukas September 15, 2026 (Tuesday).

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

See less

πŸ₯ MAHALAGANG ANUNSYO πŸš‘PAUNAWA SA LAHAT NG PASYENTE SA IMPLEMENTASYON NG PRIORITY PATIENT QUEUEING Simula September 4, 20...
03/09/2026

πŸ₯ MAHALAGANG ANUNSYO πŸš‘
PAUNAWA SA LAHAT NG PASYENTE SA IMPLEMENTASYON NG PRIORITY PATIENT QUEUEING

Simula September 4, 2026, magsisimula na po ang implementasyon ng Priority Patient Queueing sa ating Out-Patient Section.
Ito po ay karagdagang hakbang sa proseso ng pagpapakonsulta ng mga pasyente upang maging mas maayos at organisado ang ating serbisyo.

PROSESO NG PAGKUHA NG QUEUE NUMBER
1. Kumuha ng waiting queue number sa Guard House na matatagpuan sa entrance ng ospital.
2. Magtungo sa OPD Queue Desk upang mabigyan ng karampatang queue number para sa serbisyong inyong pagpapakonsultahan.
3. Sa OPD Queue Desk, ipaalam sa staff kung ang pasyente ay kabilang sa alinman sa sumusunod na
priority groups at ipakita ang kaukulang ID bago kumuha ng queue number: *Senior Citizen *Person with Disability (PWD)
4. Hintayin ang tawag ng Registration Personnel para sa registration at pagkuha ng vital signs.
*Registration Counter 1 – Regular Patients *Registration Counter 2 – Priority Patients
5. Pagkatapos ng pagkuha ng vital signs, magtungo sa 3rd Floor OPD Waiting Area.
6. Hintaying matawag o lumabas ang inyong numero sa queueing monitor.

PAUNAWA
Ang mga priority patients ay bibigyan ng prayoridad sa konsultasyon ng doktor. Sa pagkakataong iisa lamang ang doktor na tumitingin, ang magiging sistema ng pagtawag sa mga pasyente ay: *Dalawang (2) Priority Patients at *Isang (1) Regular Patient

Hinihingi po namin ang inyong pag-unawa, pakikiisa, at suporta sa implementasyon ng ating Priority Patient Queueing System.
Maaari po kayong magbigay ng inyong mga suhestiyon o rekomendasyon para sa ikabubuti pa ng ating sistema sa pamamagitan ng pagsagot sa Hospital Client Experience Survey Form o sa pagsangguni sa ating Public Assistance Desk na matatagpuan sa 2nd Floor ng ospital.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa!

🩸 PAANYAYA SA PUBLIKO: MAG-DONATE NG DUGO, MAGLIGTAS NG BUHAY!Inaanyayahan ng San Lorenzo Ruiz General Hospital – Blood ...
03/09/2026

🩸 PAANYAYA SA PUBLIKO: MAG-DONATE NG DUGO, MAGLIGTAS NG BUHAY!

Inaanyayahan ng San Lorenzo Ruiz General Hospital – Blood Transfusion Committee katuwang ang Valenzuela Medical Center ang lahat ng kwalipikadong mamamayan na makiisa sa aming MASS BLOOD DONATION.

πŸ“… Setyembre 28, 2026 | Monday
⏰ 8:00 AM – 12:00 PM
πŸ“ SLRGH Training Room, 5th Floor

Ang bawat bag ng dugong iyong maibibigay ay maaaring maging pag-asa at pagkakataong mabuhay para sa mga pasyenteng nangangailangan. Sa simpleng paglalaan ng ilang minuto ng iyong oras, maaari kang makatulong sa pagliligtas ng buhay.

βœ… MGA DAPAT TANDAAN BAGO MAG-DONATE:

-Edad 18–60 taong gulang
-Timbang na hindi bababa sa 50 kg / 110 lbs
-Nakapagpahinga o nakatulog nang hindi bababa sa 6 na oras
-Hindi nakainom ng alak sa loob ng nakaraang 24 oras
-Hindi naoperahan sa loob ng nakaraang 1 taon
-Magdala ng valid ID
-Maaaring mag-donate ang may tattoo kung ito ay mahigit isang -taon na

❀️ Hinihikayat namin ang ating mga empleyado, kaanak, kaibigan, at ang buong komunidad na makiisa.
Isang dugong handog mo, maraming buhay ang maaaring mailigtas.

Maging Bayani. Mag-donate ng Dugo!

GIVE BLOOD, SAVE LIVES.

02/09/2026

🌧️ Baha ngayon? Mag-ingat sa LEPTOSPIROSIS!

Ang leptospirosis ay maaaring makuha sa exposure sa tubig o putik na kontaminado ng ihi ng infected na hayop, lalo na ng daga.

⚠️ Iwasang lumusong sa baha kung maaari. Kung kinakailangan, magsuot ng protective boots at gloves, takpan ang mga sugat, at maghugas agad pagkatapos ma-expose.

Alamin ang sintomas. Iwasan ang exposure. Kumilos agad. 🩺



DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas...
01/09/2026

DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!

Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.

Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!

DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!

Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.

Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!




🏨 MAHALAGANG ANUNSYO πŸš‘Bilang paggunita sa Special Non-Working Holiday (Ninoy Aquino Day) ay wala pong CONSULTATION ANG O...
20/08/2026

🏨 MAHALAGANG ANUNSYO πŸš‘

Bilang paggunita sa Special Non-Working Holiday (Ninoy Aquino Day) ay wala pong CONSULTATION ANG OUTPATIENT DEPARTMENT(OPD) ngayong August 21, 2026 (Friday).

Mananatiling bukas ang π„π¦πžπ«π πžπ§πœπ² 𝐑𝐨𝐨𝐦 π’πžπœπ­π’π¨π§ para sa mga kritikal at emergency na kaso.

Maraming salamat po!

20/08/2026

DOH: MAGING LIGTAS SA BANTA NG LEPTOSPIROSIS; KUMONSULTA SA MGA HEALTH CENTER PARA SA PROPHYLAXIS KONTRA LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.



20/08/2026

DOH: ALAMIN ANG FIRST AID SA TAONG NAKURYENTE

Detalye sa comment section.




🏨 MAHALAGANG ANUNSYO πŸš‘Pansamantalang wala muna pong iskedyul ang OPD Adult Nephrology Clinic ngayong August 20-21, 2026 ...
20/08/2026

🏨 MAHALAGANG ANUNSYO πŸš‘

Pansamantalang wala muna pong iskedyul ang OPD Adult Nephrology Clinic ngayong August 20-21, 2026 (Thursday - Friday).

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Address

San Lorenzo Ruiz General Hospital, Panghulo Road , Luist St. , Panghulo, Malabon City
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63 2 294 4855

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Lorenzo Ruiz General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to San Lorenzo Ruiz General Hospital:

Shortcuts

Share