Malabon TV

Malabon TV Reliable and trusted television platform for all Malabueños.

CALLING ALL OUT-OF-SCHOOL YOUTH!Bukas na muli ang Eco-Youth Program para sa mga kabataang nagnanais magkaroon ng skills ...
02/06/2026

CALLING ALL OUT-OF-SCHOOL YOUTH!

Bukas na muli ang Eco-Youth Program para sa mga kabataang nagnanais magkaroon ng skills training, livelihood opportunities, at green jobs.

Kung ikaw ay 16–24 years old, mag-register na at simulan ang bagong pagkakataon para sa pag-angat ng buhay!

𝐂𝐀𝐋𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐋 𝐎𝐔𝐓-𝐎𝐅-𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇!

Handa ka na bang magkaroon ng bagong oportunidad at mas magandang kinabukasan?

Narito na ang pagkakataon para maging bahagi ng 𝐄𝐂𝐎-𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌, isang programang naglalayong ihanda ang kabataang Malabueño para sa 𝐠𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐣𝐨𝐛𝐬, 𝐥𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝, at 𝐬𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐟𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞!

Sa nagdaang ECO-Youth Project na isinagawa katuwang ang World Vision at Department of Labor and Employment, maraming kabataang Malabueño ang nagpakita ng interes na matuto, magkaroon ng bagong kasanayan, at mabigyan ng oportunidad para sa mas maayos na kinabukasan.

Ngayon, muling nagbubukas ang pagkakataon para sa mga Out-of-School Youth (OSY) na nais magkaroon ng dagdag kaalaman, livelihood opportunities, at paghahanda para sa green jobs at sustainable careers.

Kung nais mong magkaroon ng bagong simula at maging bahagi ng programang nagbibigay pag-asa at oportunidad ito na ang iyong pagkakataon!

Ngayon, muling nagbubukas ang pagkakataon para sa mga kabataang nais:

✅ Open para sa edad 16-24 years old
✅ Magkaroon ng bagong kaalaman at skills
✅ Matutunan ang Green Careers at Green Enterprise
✅ Magsimula ng sariling kabuhayan
✅ Makahanap ng oportunidad sa trabaho
✅ Maging bahagi ng mas sustainable at progresibong komunidad

Hindi mahalaga kung saan ka nagsimula, ang mahalaga ay handa kang magsimulang muli.

Naniniwala kami na ang bawat kabataang may pangarap ay karapat-dapat mabigyan ng pagkakataon. Sama-sama nating buksan ang pinto tungo sa mas maliwanag, mas matatag, at mas makakalikasang kinabukasan.

📍 Mag-register na at maging bahagi ng pagbabago!
📍 Scan the QR Code or click the link below for registration and further details.

https://forms.gle/pMQX4je8R7PDLkGf8





Nagbabalak ka na bang mamili ng school supplies para sa darating na pasukan?Narito ang pinakabagong presyo ng ilang pang...
02/06/2026

Nagbabalak ka na bang mamili ng school supplies para sa darating na pasukan?

Narito ang pinakabagong presyo ng ilang pangunahing gamit pang-eskwela sa mga piling pamilihan sa Malabon.

*All prices are subject to change based on availability-depending on supplier adjustments.



01/06/2026

Narito na ang inyong funny horoscope sa linggong ito!

Tandaan: Ito po ay pawang gabay lamang at kaunting katatawanan; nasa ating kamay pa rin ang inyong kapalaran.


HABAGAT SEASON NA! ☔️Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa. Inaasaha...
01/06/2026

HABAGAT SEASON NA! ☔️

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa. Inaasahan ang mas madalas na pag-ulan, lalo na sa mga kanlurang bahagi ng Pilipinas.



30/05/2026

MALABUENEWS: 33 out-of-school youth ang naging benepisyaryo ng ECO-YOUTH Project na naglalayong magbigay ng oportunidad para sa kasanayan at trabaho. | Ulat ni Roland Castillo


30/05/2026

MALABUENEWS: Plastic waste, nagiging pagkakakitaan sa ilalim ng programang “Sa Plastic na Basura, May Kita Ka” ng CENRO Malabon. | Ulat ni Abigail Malic.


30/05/2026

MALABUENEWS: Apat na pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon; nananatili sa evacuation center ang mga apektadong residente habang agad na naghatid ng tulong ang Malabon LGU. | Ulat ni Roland Castillo.


AFTERMATH NG SUNOG SA DUMPSITE SA MALABONIdineklarang fire out alas-3:13 ng umaga ang sunog na sumiklab sa isang dumpsit...
29/05/2026

AFTERMATH NG SUNOG SA DUMPSITE SA MALABON

Idineklarang fire out alas-3:13 ng umaga ang sunog na sumiklab sa isang dumpsite sa Brgy. Catmon, Malabon.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan. Kasalukuyan pang isinasagawa ang evaluation sa pinsala habang nananatili sa evacuation center ang mga apektadong residente na nabigyan na rin ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

DOMENG NASA PAR NAPumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Jangmi” bandang 12:30 a.m. n...
29/05/2026

DOMENG NASA PAR NA

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Jangmi” bandang 12:30 a.m. ngayong Biyernes, May 29, at binigyan ng local name na .

Batay sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro nito sa layong 1,345 kilometro silangan ng southeastern Luzon.

Sa ngayon, mababa ang posibilidad na mag-landfall ito sa bansa at posibleng lumabas ng PAR sa Lunes.

Courtesy: DOST-PAGASA


Inaasahang papasok mamayang gabi o bukas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na “JAN...
28/05/2026

Inaasahang papasok mamayang gabi o bukas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na “JANGMI.”

Tatawagin itong “DOMENG” kapag nasa loob na ng PAR.


Address

F. SEVILLA Boulevard BRGY. TAÑONG MALABON CITY
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Malabon TV:

Share