22/03/2026
Magandang Araw Barangay Muzon ☺️
Isang Paalala lang po sana na iwasan po natin maglabas ng basura sa mga kalsada at tapat ng ibang bahay hanggang wala pa ang ating truck ng basura, sa kadahilanang marami na po uli ngayon ginawa ng tapunan ng basura yun mga harap o iniiwanan na sa daan, madidinig naman po natin ang pagdating ng truck dahil may nagsasabi po na staff ng Barangay para ilabas po natin sa pagdaan po nila. Para po maiwasan natin ang mga nakukuha na sakit galing sa mga basura at maduming kalsada na may mga nakatambak na basura.
Maraming salamat po sa pang unawa mga Kabaranggay Muzon🙏