KonsKap IAN BORJA

KonsKap IAN BORJA 3 term Malabon City Councilor, Punong Barangay, Panghulo Malabon, President WISAR PHILS.

Oras ng hakot at pagtatapon ng basura sa Barangay Panghulo Malabon City
15/06/2023

Oras ng hakot at pagtatapon ng basura sa Barangay Panghulo Malabon City

Celebrating my 4th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
07/03/2023

Celebrating my 4th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Assuming another role as Chairman of the Peoples Law Enforcement Board of the City Of Malabon.
08/02/2023

Assuming another role as Chairman of the Peoples Law Enforcement Board of the City Of Malabon.

Manalangin tayo ... Hiniling sa amin ni Cardinal Tagle na ipanalangin ang disertasyon na inilabas lamang ng Santo Papa, ...
16/09/2021

Manalangin tayo ... Hiniling sa amin ni Cardinal Tagle na ipanalangin ang disertasyon na inilabas lamang ng Santo Papa, Papa Francis ... para sa pagtatapos ng pandemya. Kung maaari, ipanalangin natin ito bilang isang pamilya ... 🙏🙏🙏

Disertasyon ngayon mula sa POPE FRANCIS:
Itigil ang ginagawa mo, yumuko at sabihin ang dasal na ito:

Walang hanggang Ama, pinahinto mo ang buong mundo sa paglalakad nang ilang sandali.
Pilit mong pinatahimik ang ingay na nilikha namin lahat sa paligid namin.
Pinaluhod mo kami at humingi ng mga himala.
Isinara mo ang Iyong mga Simbahan upang mapagtanto namin kung gaano kadilim ang aming mundo kung wala Ka rito.
Pinahiya mo ang mayabang at makapangyarihan. Ang ekonomiya ay gumuho, ang mga negosyo ay nagsasara.
Ipinagmamalaki namin na isipin na ang lahat ng mayroon kami, lahat ng pag-aari namin, ay bunga ng aming pagsusumikap.
Nakalimutan namin na ang Iyong biyaya, Iyong awa, na gumawa sa amin kung sino kami at nagbigay sa amin ng lahat ng mayroon kami.
Paikot-ikot kami sa mga bilog na naghahanap ng ilang gamot para sa sakit na ito, kung sa katunayan kailangan naming magpakumbaba at humingi ng patnubay at karunungan lamang mula sa Iyo.
Nabuhay kami nang buhay na para bang narito tayo sa Daigdig magpakailanman, na parang walang Langit, walang Purgatoryo, walang Impiyerno.
Marahil ang virus na ito ay tunay na Iyong paraan ng paglilinis at paglilinis ng aming mga kaluluwa, na ibabalik kami sa Inyo.
Ngayon, habang naglalakbay ang mga salitang ito sa internet, nawa ang lahat ng makakakita sa kanila na sumali sa kanilang mga puso at kamay sa pagdarasal, na humihingi ng kapatawaran, humihingi ng paggaling at proteksyon laban sa virus na ito, ngunit higit sa lahat, hinihiling na ang Iyong Banal at Banal na Gawin at hindi ang atin
DIYOS, ipinamamanhik namin sa Inyo, iligtas mo kami sa lahat ng kasamaan sa Lupa kung ito ang iyong kalooban!
Ama, matiyaga kang naghihintay sa amin na ibaling ang aming mga mukha sa Inyo, upang magsisi sa aming mga kasalanan. Humihingi kami ng paumanhin na huwag pansinin ang Iyong boses! Makasarili, minsan nakakalimutan namin na Kayo ay DIYOS !! Panginoon, hindi ako karapat-dapat na pumasok ka sa aking bahay, ngunit isang salita mula sa iyo ang sapat upang pagalingin ako!
Kailangan mo lamang Panginoon na sabihin ang Salita at ang aming mga kaluluwa ay gagaling.
Humihiling kami sa Iyo para sa paggaling at pagliligtas sa pangalan ni Hesus! Sa pamamagitan ng walang katapusang mga merito ng kanyang Pinaka-Sagradong Puso at ng Kalungkutan at Malinis na Puso ni Maria. Amen.
- Papa Francis

MANGYARING POST ITONG PANALANGIN SA IYONG PAGE!

PANDEMYA AT AKO Ang hirap ng kalabang di nakikita,Gumanti ay gusto ngunit di magawa,Puro tama sa katawan pero di agad ma...
03/09/2021

PANDEMYA AT AKO

Ang hirap ng kalabang di nakikita,
Gumanti ay gusto ngunit di magawa,

Puro tama sa katawan pero di agad maramdaman.
Bigla bigla ikay igugupo na lamang,

Dadamhin mo, bugbog na katawan.
Gusto mong lumaban pero di mo alam,

Gusto mong magtago, pero saan?
Sa sariling bahay ay wala nang kaligtasan,
di nakikitang kaaway
maaaring labas masok na lamang.

Dasal ko ngayun ay isa na lamang, kayamanan at kapangyarihan diko kailangan,

Kaligtasan lamang ng mga mahal sa buhay,
Katahimikan ng isip at malakas na pangangatawan,

Itoy sapat na upang makapamuhay na lamang. Makapagtrabaho at makapaglingkod ng walang alinlangan,

Upang kung sakali
kalabang di nakikita
Akoy hagipin,
Kunin at bawiin
buhay nating tinatangi.

Akoy lilisan ng may pait ngunit may ngiti, nalalamang mahal sa buhay ay ligtas
akoy iisipin,ipagtatangis.

Sa aking kapwa na nakakaintindi,
Sanay sakripisyo ng lahat ay di mawaglit.

Sa tuwina sanay maalala,
ang minsang kontribusyon natin sa kaligtasan nila.

Mapait mang isipin pero kailangang tanggapin, na sa lahat ng laban laging May kapalit,

Nagkataon ngayun sa labang nakamit, buhay naman natin ang magiging kapalit.

Sa aming maiiwan
alam namin ang kalungkutan,
ngunit isa lamang ang aming nais,

Wag nyo lamang kaming kalimutan,
kahilingay dasal at tanging pag alala.
Lagi ninyong iisipin, pagmamahal namin, itoy babaunin sa pagpikit sa aming takipsilim.

IEEB

09/03/2021

Isang bukas na sulat para sa mga mamamayan ng Barangay Panghulo Malabon.

Magandang araw po sa inyong lahat. Gusto ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng nasasagasaan ng programa ng ating Pamahalaang Nasyonal,Pamahalaang Lungsod at Pamahalaang Barangay. Lalo na po sa mga tinatamaan ang kanilang kabuhayan ng ROAD CLEARING at ANTI COVID PROGRAM. Masakit din po para sa amin ang maapektuhan kayo lalo at pati mga personal kong kaibigan at pamilya hindi lamang ang mga nakatira sa barangay natin ay naaapektuhan. Ngunit kinakailangan po naming gawin ito para ang lugar po natin ay maisaayos at magkadisiplina. Kailangan naming maghigpit para sa kaligtasan ng lahat. Kung may mga nagagalit sa amin, sana po sa tamang panahon ay maunawaan nyo ang trabaho namin. Hindi naman po kami inihalal sa trabaho namin para makisama at makiayon lamang sa kagustuhan ng iilan. Iniluklok po kami para gawin ang tama para sa ikabubuti ng lugar natin. Hinihiling ko po ang inyong kooperasyon para mapadali at mapasaayos ang lugar natin. Napakahaba na naman po ng panahon na nakinabang ang karamihan sa atin sa pagpapaubaya sa kanilang mga ginawa. Muli po ang aking paghingi ng patawad at pangunawa. Ginagawa ko lamang po ang direktiba ng pamahalaan sa akin. Kung ang tingin nyo sa akin ay mapaniil ay inihihingi ko ito ng patawad, ngunit ginagawa ko lamang po ang utos sa amin galing din sa nakatataas. Pinipilit ko pong maging isang tunay ninyong pinuno na wala pong tinitignan kung hindi po ang tamang pagpapatupad ng mga kautusan at batas. Muli po ang aking pagpapakumbaba at paghingi po ng patawad. Marami pong salamat.

IAN EMMANUEL E. BORJA MDMG
PUNONG BARANGAY
BARANGAY PANGHULO
LUNGSOD NG MALABON

31/10/2020
19/09/2020

Pagkatapos po ng paguusap naming 3 Kapitan ng PANGMASA (PANGHULO,MAYSILO,SANTULAN)Kap Jerome Jasper Ponce Manalastas Kap Paulo PJ Oreta at inyong lingkod ay ipinaguutos po namin ang muling pagreregular ng bukas ng mga tindahan at palengke. Bukas na pag linggo at wala na po ang window hour na sarado ng 10am to 3pm araw araw .Papayagan na nating magbukas ang mga palengke at tindahan pag linggo. Lifted na din ang oras ng pag sara ng mga tindahan pag 10 to 3. Pero dapat sumunod sa mga binigay nating protocols kamukha ng pagsasara ng isang oras araw araw para magdisinfect ang mga tindahan. 12 to 1 ng tanghali ang oras for disinfection. At lahat dapat magsuot ng mask at faceshield ang mga namimili lalo na ang mga nagtitinda at siguruhing masusunod ang proper social distancing. Isang pasubali, pag tumaas na nmn po muli ang cases natin sa COVID 19 ay muling magbabalik ang ating paghihigpit. Marami pong salamat sa inyong pagsunod at pangunawa. Magiingat po tayo at Naway pagpalain tayo ng Maykapal.

Address

Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KonsKap IAN BORJA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share