29/08/2023
Kung bibigyan man tayo ng pangalawang pagkakataon,
Alam kong gusto mo ring manatili at hindi sumama sa panahon.
Hindi ko man nasabi ang mga salitang gusto kong ihabol sayo,
Marahil ay naparamdam ko naman ito ng buong-buo.
Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?
Hindi na ba hinahabol ang paghinga hindi tulad noon?
Wala ka na sigurong problema sa araw-araw,
At nakakain ng paborito mong pagkain habang sumasayaw.
Saan ka naman ngayon napapadpad?
Kasabay mo na siguro ang mga ibong lumilipad.
Hindi ka na mapapagod sa pag ikot sa mundo,
Dahil wala nang makakapigil kung saan mo gusto tumungo.
Alam kong kahit masaya ka na iniisip mo pa rin kami,
Huwag kang magalala kahit masakit ay pinipilit naming ngumiti.
Magkikita-kita rin naman tayo at sabay maglalakbay,
Hintayin at salubungin mo kami sa kabilang buhay.