08/11/2025
WALANG PASOK | Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon sa darating na Lunes, Nobyembre 10, 2025, dahil sa posibleng maging epekto ng Bagyong UWAN sa ating lungsod.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.