Malabon City Gender and Development - GAD Office

Call Directions Website

Malabon City Gender and Development - GAD Office This is the official page of the
Gender and Development Office
of the City Government of Malabon GAD MISSION:
Malabon, Ahon! GAD GOALS:
1.

GAD VISION:

Lungsod na kumikilala, kumakalinga, at rumi-respeto sa pantay-pantay na karapatan at kakayahan ng bawat Malabueño, ano man ang kanilang kasarian. Alisin ang diskriminasyon para sa tuloy-tuloy na pagsulong! Equitable, gender-sensitive healthcare, and social services for all Malabueños

2. Strengthened programs and policies that will improve the well-being of every Malabueño

3. Increased participation of women and the LGBT+ community.

4. Increased gender awareness and sensitivity.

21/10/2026
21/10/2026
30/09/2026

KAYO BA AY ISANG ORGANISASYONG NAGSUSULONG NG WOMEN’S EMPOWERMENT O GENDER EQUALITY?

Kayo ang hinahanap namin para sa Mission CSO!

Inaanyayahan ang mga kinatawan ng:

☑️ Mga organisasyong pangkababaihan
☑️ Women-led organizations
☑️ LGBTQIA+ at gender-related organizations
☑️ Mga grupong nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan
☑️ Mga organisasyong nagsusulong ng gender equality at inclusion
☑️ Grassroots at community-based organizations
☑️ Mga pormal at rehistradong organisasyon
☑️ Mga impormal na samahan at community groups
☑️ Iba pang grupong may kaugnay na adbokasiya

Hindi pa accredited? WALANG PROBLEMA.

Hindi kinakailangang accredited na bilang CSO ang inyong organisasyon upang makilahok.

Kung ang inyong grupo ay aktibong naglilingkod sa komunidad ngunit hindi pa nakakapagsimula ng proseso ng accreditation, ang Mission CSO ay pagkakataon upang matuto, makapaghanda at makakuha ng gabay.

Baka ang organisasyon ninyo ang susunod na maging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon.

📣 Mission CSO: Compliance • Support • Opportunities

📅 Deadline ng pagpaparehistro: Oktubre 9, 2026
📩 Magparehistro: [https://forms.gle/ryk9qTTHQ5Z7SSqp9]

25/09/2026

BAKIT MAGPA-AKREDIT BILANG CSO?

Ang pagiging LGU-accredited Civil Society Organization (CSO) ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng pormal na pagkilala.

Ito ay pagkakataong marinig ang boses ng inyong organisasyon at maging bahagi ng mga proseso ng lokal na pamamahala.

Bilang accredited CSO, maaari kayong magkaroon ng pagkakataong:

🗣️ Magkaroon ng representasyon sa Local Special Bodies

📋 Makilahok sa lokal na pagpaplano at paggawa ng mga desisyon

🤝 Makibahagi sa mga programa at proyekto ng LGU

🏛️ Maging katuwang ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad

📊 Makilahok sa monitoring at evaluation ng mga programa

🔗 Magkaroon ng pormal na pagkilala at mas malawak na pakikipag-ugnayan sa LGU

Dahil ang mga organisasyong naglilingkod sa komunidad ay may mahalagang ambag sa paghubog ng mga programa at desisyong nakaaapekto sa kanilang mga nasasakupan.

Alamin kung paano maging bahagi ng prosesong ito sa MISSION CSO.

📅 Deadline ng pagpaparehistro: Oktubre 9, 2026
📩 Magparehistro: [https://forms.gle/ryk9qTTHQ5Z7SSqp9]

Address

Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City Gender and Development - GAD Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share