03/09/2026
🔐 IWAS-NAKAW: ISANG SAGLIT NA PAGKALINGAT, MAAARING MAGING MALAKING ABALA
Minsan, saglit lang nating naiiwan ang cellphone sa mesa, nakabukas ang bag habang naglalakad, o nakakalimutang i-check kung maayos ang pagkakandado ng bahay. Maliit na bagay sa tingin, pero maaari itong maging pagkakataon para sa pagnanakaw.
Kaya ngayong National Crime Prevention Week, paalala ng Malabon City Police Station na ugaliing bantayan ang sariling gamit at maging alerto sa paligid, lalo na sa matataong lugar.
📱 Ilagay ang cellphone, wallet, at mahahalagang gamit sa ligtas na bahagi ng bag o bulsa.
👀 Iwasang maging sobrang abala sa cellphone habang nasa labas.
🏠 Tiyaking maayos ang pagkakandado ng bahay, sasakyan, o establisyimento bago umalis.
🔒 Huwag iwanang nakalantad o walang bantay ang mga bagay na madaling makuha.
Hindi natin kontrolado ang kilos ng ibang tao, pero may mga simpleng pag-iingat tayong maaaring gawin upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at mga bagay na pinaghirapan natin.
Maging maingat. Maging mapagmatyag, Malabueño. 💙
Kung may kahina-hinalang gawain o insidenteng kailangang i-report, makipag-ugnayan agad:
👮 Malabon City Police Station
0998-598-7864
📞 Malabon City DRRMO Command Center
8-921-6009
8-921-6029
0942-372-9891
0919-062-5588
📱 TXTMJS
0917-889-8657