City Treasury of Malabon

Directions Website

City Treasury of Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Treasury of Malabon, Government Organization, 3/F, Malabon City Hall, F. Sevilla Boulevard Brgy. Tañong, Malabon.

We are committed to delivering fast, reliable, and transparent services to the public through efficient tax collection, innovative technology, and accountable financial management.

19/10/2026

BUKAS NA ANG DEADLINE! ASIKASUHIN NA ANG BUSINESS TAX

Mga negosyanteng Malabueño, hanggang bukas, Oktubre 20, 2026, na lamang ang pagbabayad ng Business Tax para sa 4th Quarter.

Kung hindi pa kayo nakapagbayad, maaari pa itong asikasuhin ngayong araw, Oktubre 19 mula 7:00 AM hanggang 6:00 PM upang maiwasan ang dagsa ng transaksyon sa mismong deadline.

Para naman sa Oktubre 20, bukas ang City Treasury Department mula 7:00 AM hanggang 8:00 PM para sa mga hahabol sa huling araw ng pagbabayad.

MODE OF PAYMENT
• Cash
• Manager’s Check

📌 Magdala ng printed Order of Payment para sa walk-in transactions.

📌 Para sa Manager’s Check:

Pay to the Order of: CITY GOVERNMENT OF MALABON

⚠️ Ang late payment ay papatawan ng 25% surcharge at 2% interest kada buwan, alinsunod sa Revenue Code.

Para sa mga tanong, tumawag sa (02) 8281-4999 loc. 3007 / 3008 o magtungo sa:

📍 City Treasury Department, 3rd Floor, Malabon City Hall
Ngayong Oktubre 19: 7:00 AM–6:00 PM
Bukas, Oktubre 20: 7:00 AM–8:00 PM

Huwag nang maghintay hanggang bukas. Magbayad na habang may oras pa! 💙


19/10/2026

📣 NEGOSYANTENG MALABUEÑO, IWAS-PENALTY, BAYAD ON TIME! 💙

Paalala: Ang deadline ng pagbabayad ng Business Tax para sa ika-4 na quarter ay OKTUBRE 20, 2026! 🗓️

Huwag nang hintayin ang huling araw—bayaran na ang inyong buwis upang maiwasan ang dagdag na bayarin.

💻 Para sa online na transaksiyon, mag-log on sa:
https://online.malabon.gov.ph

📞 May katanungan? Tumawag sa (02) 8281-4999 loc. 3007 / 3008.

Sa maagap na pagbabayad, negosyo at lungsod ay sabay na umuunlad! 🤝

19/10/2026

🏡💙 MAAGANG BAYAD, MAY DISKUWENTONG KATAPAT!

Mga taga-Malabon, makatipid ng 10% sa inyong AMILYAR! 🎉

Bayaran nang buo ang inyong Real Property Tax para sa taong 2027 sa o bago ang HULING ARAW NG TRABAHO SA DISYEMBRE 2026 upang makuha ang diskuwento, alinsunod sa City Ordinance No. 23-2020.

✅ Maagang makabayad
✅ Makatipid
✅ Makatulong sa pag-unlad ng ating lungsod

📌 Tingnan ang infographic para sa mga paraan ng pagbabayad at detalye ng pakikipag-ugnayan.

Huwag nang hintayin ang deadline—planuhin na ang pagbabayad!

19/10/2026
19/10/2026

📢 PAALALA MULA SA CITY TREASURY DEPARTMENT 📢

Mga kababayan, para sa lahat ng walk-in payments sa City Government of Malabon, maaari po kayong magbayad gamit ang cash o check.

✅ Tinatanggap ang:
• Cash Payments
• Manager’s Check
• Cashier’s Check

❌ Hindi po tinatanggap ang:
• Personal Checks
• Company Checks

📌 Kung magbabayad gamit ang tseke, siguraduhing ito ay Manager’s Check o Cashier’s Check lamang at nakapangalan sa:

CITY GOVERNMENT OF MALABON

Iwas abala at siguraduhing tama ang inyong payment mode bago magtungo sa City Hall.
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan! 💙💛


19/10/2026
19/10/2026



18/10/2026

Address

3/F, Malabon City Hall, F. Sevilla Boulevard Brgy. Tañong
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Treasury of Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share