OSCA- Malabon City

OSCA- Malabon City This is the official page of the Malabon City- Office Of The Senior Citizens Affairs (OSCA)

14/09/2026
14/09/2026
13/09/2026

👵👴💙 MAS MASAYA ANG PAMILYA KAPAG KASAMA SINA LOLA AT LOLO

May kakaibang saya sa mga kuwentong hindi nakakasawang pakinggan, sa mga payong may kasamang lambing, at sa presensyang nagpapagaan ng tahanan. Ganyan kahalaga sina Lola at Lolo sa bawat pamilya.

Ngayong National Grandparents Day, binibigyang-pugay ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang lahat ng lolo at lola na patuloy na nagbabahagi ng pagmamahal, karanasan, at aral sa bawat henerasyon.

Hindi lang sila bahagi ng ating mga alaala. Kasama rin sila sa pagbuo ng masasayang sandali ng pamilya ngayon.

Kaya ngayong araw, iparamdam natin ang ating pasasalamat. Isang tawag, pagbisita, kuwentuhan, o simpleng yakap ay sapat nang paraan para sabihing mahalaga sila sa atin. 💙

Maligayang National Grandparents Day sa lahat ng ating mga lolo at lola!

13/09/2026
13/09/2026

SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT, PARA SA TRABAHO, NEGOSYO AT PANG-ARAW-ARAW NA PANGANGAILANGAN. 💼🌾

Bilang bahagi ng Handog ng Pangulo 2026, ilalapit sa mga Malabueño ang iba’t ibang serbisyo na makatutulong sa paghahanap ng trabaho, pagnenegosyo at pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa Malabon Sports Center, Brgy. Tañong, makikita ang mga sumusunod na serbisyo:

🔹 NBI – Mobile NBI Clearance
🔹 PNP – Police Clearance Services at Help Desk
🔹 DOLE – Impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo
🔹 DTI – Business Name Registration at Business Counselling
🔹 DA – Bigas na P20/kilo, mas abot-kayang bigas para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya

📅 Setyembre 14, 2026 | Lunes
🕗 8:00 AM
📍 Malabon Sports Center, Bgy Tañong

Abangan ang iba pang anunsyo tungkol sa mga serbisyong ihahatid sa Malabon City Hall Lobby at Atis Covered Court, Brgy. Potrero.

Mas malapit na serbisyo, mas konkretong tulong para sa bawat Malabueño.

13/09/2026

HANDOG NG PANGULO 2026
SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT

Mas maraming serbisyo, mas maraming Malabueño ang mapaglilingkuran.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., magsasama-sama ngayong Setyembre 14 ang mga ahensya ng Pambansang Pamahalaan at ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, upang ilapit sa mga Malabueño ang iba’t ibang serbisyo, tulong at oportunidad.

📣 Abangan ang mga susunod na anunsyo para sa kumpletong detalye ng mga serbisyong ihahatid.

Address

OSCA Building, Ground Floor, F. Sevilla Boulevard San Agustin
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OSCA- Malabon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share