05/09/2026
📚💙 NGAYONG BUWAN, G**O NAMAN ANG BIDA!
Araw-araw, sila ang nasa likod ng bawat aral na natutuhan, pangarap na nabuo, at batang natutong maniwala sa sarili.
Kaya ngayong National Teachers’ Month, na ipinagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, tayo naman ang magbigay-pugay sa mga g**ong walang sawang nagtuturo, gumagabay, nakikinig, at nagmamalasakit sa kanilang mga mag-aaral.
Sa temang “Teacher, Ikaw Naman! (Teacher, It’s Your Turn!)”, panahon naman upang sila ang ating kilalanin, pasalamatan, at pahalagahan, hindi lamang bilang mga g**o, kundi bilang mga katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng bawat kabataang Malabueño.
Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga programang sumusuporta sa kapakanan, kakayahan, at patuloy na pag-unlad ng ating mga g**o.
Ngayong buwan, simpleng mensahe man, pasasalamat, o pagkilala, iparamdam natin sa kanila na ang bawat oras, pagod, at malasakit na kanilang ibinibigay ay nakikita at pinahahalagahan.
Mula sa buong Pamahalaang Lungsod ng Malabon, maligayang National Teachers’ Month sa lahat ng ating mga g**o! 👩🏫👨🏫💙