13/08/2026
SITUATION REPORT | MDRRMO MALABANG
As of 12:10 AM | August 14, 2026
Nakatanggap ang MDRRMO Malabang ng impormasyon hinggil sa isang insidente na kinasasangkutan ng isang Bonggo Truck na may plate no. JAK 2676 na bumibiyahe mula Dipolog City patungong Davao City.
Ayon sa inisyal na ulat, habang binabagtas ng sasakyan ang Miyundas Bridge, hindi napansin ng driver ang one-way traffic scheme. Nang may kasalubong na sasakyan, agad itong umiwas at tumama sa sementadong bahagi sa gilid ng kalsada.
Tatlong (3) indibidwal ang sakay ng sasakyan:
1. Elvira Eluna, 52 taong gulang β Brgy. Minaog, Dipolog City
2. Teody Comodas, 31 taong gulang β Brgy. Guinles, Polanco, Zamboanga del Norte
3. Juliben Namit, 37 taong gulang β Brgy. Sipaon, Rizal, Zamboanga del Norte
Sa kabutihang-palad, ligtas ang lahat ng sakay, at ang driver ay nagtamo lamang ng kaunting galos.
Agad namang rumesponde ang MDRRMO Malabang, katuwang ang Malabang Municipal Police Station (PNP) at Philippine Army, upang magsagawa ng assessment, tiyakin ang kaligtasan ng mga sangkot, at maayos na ma-handle ang insidente.
Patuloy ang paalala ng MDRRMO sa lahat ng motorista na mag-ingat, sundin ang mga traffic signs at road restrictions, at magmaneho nang maingat, lalo na sa mga lugar na may one-way traffic scheme.